Connect with us

News

Kris Aquino, Kinumpirma Ang Hiwalayan Nila Ni Dating DILG Secretary Mel Sarmiento

Hindi nakaligtas sa mga mata ng “Marites” ng social media ang pagbura ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa mga post niya sa Instagram patungkol sa kanyang fiancee na si Mel Sarmiento. Nasundan nga ito ng pagbabahagi ni Kris ng mga screenshots na kuha sa huling pag-uusap nila ng dating DILG Secretary. At kasabay nga nito ang pagkumpirma ni Kris na sila ni Mel ay hiwalay na.

Photo credits to the owner

Nito lamang ika-3 ng Enero ay mainit na pinag-uusapan na ng mga netizens ang naging pahayag ni Kris sa isang post sa kanyang Instagram. Sa nasabing IG post kasi ay inilahad ni Kris ang dahilan kung bakit wala nang makikitang bakas sa kanyang social media accounts ang lalaki sanang kanyang mapapangasawa na si Mel.

Detalyado at puno ng emosyon rin ang naging pahayag ni Kris sa kanyang post. Ayon nga sa Queen of All Media, sa kabila ng estado ng kanyang kalusugan ngayon ay nagpasya parin siyang sagutin ang mga katanungan tungkol sa kinahinatnan ng relasyon nila ng kanyang dating fiancee. At sa ganitong paraan nga ay mabibigyang linaw na ang lahat, at magagawa na rin niyang maisara ng matiwasay ang kanilang kabanata at magpatuloy sa buhay alang-alang sa kanyang dalawang anak.

Photo credits to the owner

“Sa pinagdadaanan ko ngayon, may tao bang gustong pag-usapan pa ang kanyang paghihiwalay? But in order for me to be able to peacefully move on, and focus on myself and my health because my sons still need me, Kuya Josh has autism, and Bimb will only turn 18 in three years, three months, and 16 days, I must end this chapter.”

Kalakip ng pahayag ni Kris ang screenshot ng text message ni Mel kung saan mababasa na mas pinahalagahan nito ang kalusugan ni Kris na ngayon nga ay mayroong autoimmune disease. Dahil nga dito, ay mas pinili na lamang ni Mel na palayain nila ang isa’t isa. Sa huli ay sinabi naman ni Mel na papahalagahan niya ang mga masasayang sandali na sila’y nagkasama.

Photo credits to the owner

“For the past two days, I had enough time to think about things and accepted the fact that ensuring you don’t get COVID is an enormous responsibility. Given my nature, who loves to go out, I accept the fact that I already have a bubble fatigue and I will not be able to, sad to say, be able to continue living in a bubble. On that note, with a heavy heart, I accepted your offer of letting me go. For I cannot in conscience be able to accept that something will happen to you that brought about my going out of the bubble. I will always cherish in my heart the happy moments we had together,” mahabang pahayag ni Mel.

Hanggang sa huli naman ay hindi nakalimutan ni Mel na ipahayag ang kanyang pag-ibig kay Kris, ngunit malungkot mang isipin, ay ito na nga ang huli at tamang panahon para magpaalam sila sa isa’t isa.

Photo credits to the owner

“I do love you, but I guess this is goodbye for your life of greatest importance, given that you have Bimby and Josh to take care of. You will forever be in my heart,” sabi pa nito.

Samantala, matapos ngang ibahagi ni Kris ang huling usapan nila ni Mel, ay sinabi nito na ito na ang huling beses na magsasalita siya patungkol sa kanyang ex-fiancee.

“After that, you will never read nor hear anything at all about him from me, because I still want to preserve whatever dignity I have left.”

Matatandaan na noong nakaraang October 2021 nang gulatin ni Kris ang publiko, matapos niyang ianunsiyo na siya’y engaged na kay dating DILG Secretary Mel Sarmiento. Ngunit, nakakalungkot mang isipin ang kanilang relasyon ay hindi rin nagtagal at nauwi sa hiwalayan.

Photo credits to the owner

Ngayon nga ay mas prayoridad ni Kris ang kanyang kalusugan. Kaya naman, ibinahagi rin niya na lilipad siya patungo sa ibang bansa para sa mga kinakailangang diagnostic test at treatment sa kanyang kondisyon. Hindi naman maiwasang malungkot ng mga tagahanga nina Kris at Mel sa sinapit ng kanilang pag-iibigan. Ngunit, anuman nga ang desisyon nilang dalawa ay inirerespeto naman ng publiko.

error: Content is protected !!