Connect with us

Entertainment

Kris Aquino, Inamin Na Ang Kanyang Yumaong Kapatid Na si Dating Pangulong Noynoy Aquino Ang Naging Matchmaker Sa Kanila ng Kanyang Boyfriend Na si Former DILG Secretary Mel Sarmiento

Marami ang nagulat sa anunsiyo ng Queen of All Media ng showbiz na si Kris Aquino, nito lamang ika-24 ng Oktubre, Linggo ng gabi sa kanyang Instagram kalakip ang isang video kasama ang kanyang boyfriend na si dating DILG Secretary Mel Senen Sarmiento. Sa nasabing post, ay sinabi ni Kris na bagama’t proud siya sa pagiging Aquino, ay handa na raw siyang mapalitan ang kanyang apelyido ng Sarmiento.

Sa edad na 50, ay naegaged na si Kris sa kanyang boyfriend na si Mel Sarmiento, 59 taong gulang. Si Mel ay naluklok sa pwesto bilang DILG Secretary noong termino President Noynoy Aquino. At ibinunyag naman ni Kris, na ang kanyang yumaong kapatid na si dating Pangulong Noynoy, ang naging daan para magkakilala sila ng dating DILG Secretary na tinawag niyang “best friend” at ngayon nga, ay fiancee na niya.

Photo credits: google.com

Makikita sa video, ang magaganda at naglalakihang bouquet ng mga bulaklak na nasundan ng anunsiyo nina Kris at Mel, ngunit dahil sa kaba ay hindi mawari ng dalawa ang kanilang sasabihin kung kaya’t hindi ito natuloy, at nauwi na nga sa IG post ni Kris.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Ayon kay Kris, ay pinag-usapan at pinag-isipan nilang mabuti kung dapat ba nilang ibahagi sa publiko ang magandang balita. At dahil nga marami sa kanyang mga tagahanga ang nagtatanong ay nagpasya na silang isapubliko ito. Kapansin-pansin naman ang pagpayat ng katawan ni Kris sa video, at sa kanyang post ay ibinahagi rin ni Kris ang dahilan ng kanyang pagpayat.

“We discussed this post and I thought about it carefully… marami kasi sa followers ko ang nagtatanong kung kamusta na ko because matagal na kong nawala.”

“Aamin ako, I’m only 95 pounds now. This pandemic and many stressful events that happened since mid-August really caused my weight to drop and my health to suffer.”

Nasundan naman ito ng pag-alala ni Kris sa kanyang yumaong kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino, na kung saan ay sinabi ni Kris, na ayaw siyang iwan ng walang nagbabantay at nag-aalaga sa kanya. Kaya naman, alam umano ni Kris, na masaya ang kanyang kapatid sa langit na naging matchmaker sa kanila ni Mel.

“And it’s been exactly four months since we so unexpectedly lost our brother. Sure ako, ayaw niya talagang iwanan si ‘bunso’ na walang magbabantay at magaalaga na siguradong pinagkakatiwalaan nya.”

“Somehow I believe there really was a matchmaker in heaven who must be smiling now—I can almost hear his voice telling me, ‘Kristina, tama na, respect the fact na gusto ni Mel ng tahimik na buhay.’ And finally, ‘bunso’ has learned to obey.”

Tinawag namang best friend ni Kris ang kanyang fiancee na ngayong si Mel, at sinabi na ibinigay na nga niya rito ang kanyang “Yes” para makasama ito habang buhay. Pinasalamatan rin ni Kris si Mel, dahil sa tunay na pagmamahal nito sa kanya.

“To my best friend and the man I said yes to spending the rest of my life with, thank you for, as Bimb said, loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man. It’s unreal how much more calm and peaceful I feel now that you’re here.”

Photo credits: google.com

Sa kanyang post, ay pinasalamatan rin ni Kris ang kanyang yumaong kapatid na naging daan para makamit niya ang kaligayahan at madama ang tunay na pagmamahal sa piling ni Mel.

“We would never have met nor reconnected had it not been for Noy. Thank you to my kuya, kahit wala na siya ramdam na ramdam ko na kahit ilang beses kaming nagkatampuhan, kahit kailan gagawa talaga siya ng paraan na ma-assure kami nila kuya Josh at Bimb kung gaano niya kami kamahal at hindi talaga sya papayag na ma-feel namin na kami ay mapapabayaan. We love you and we miss you.”

“But THANK YOU, you must have known how broken I’d be to lose you, so you made sure there was someone who not only helped wipe away my tears, he’s made it possible for me to smile and laugh again. Dumating nung hindi ko hinahanap o inaasahan—kaya nga tama silang lahat na nagsabi in God’s perfect time.”

Sa huli ay sinabi ni Kris, na nais parin nilang maging pribado ang kanilang personal na buhay. Kaya naman, baka hanggang dito na lang ang kanyang pagbabahagi ng mga kaganapan sa personal nilang buhay. Naghatid naman ng kilig sa mga netizens ang mga salitang binitawan ni Kris, nang sabihin nitong mula sa pagiging Aquino, ay handa na raw siyang magpalit ng apelyido para maging isang Sarmiento.

“We agreed, what’s personal shall remain private so hanggang dito lang ang pwede kong ma-share. Except I guess to say as much as I am proud to be an Aquino, looking forward na kong maging Sarmiento.”

error: Content is protected !!