Connect with us

Entertainment

Kris Aquino, Ibinahagi ang First Date Nila Ng Kanyang Fiancee Na Si Former DILG Secretary Mel Sarmiento Sa Isang Fast Food Restaurant

Kamakailan lamang ay agaw pansin sa social media ang larawan ng Queen of All Media na si Kris Aquino at kasama fiancee nitong si former DILG Secretary na si Mel Sarmiento. Ito nga ay matapos ibahagi ni Kris ang kanilang larawan, kung saan nga ay kuha sa kanilang “first date” sa isang fast food restaurant sa Silang, Cavite habang nakasuot ng gown at barong Tagalog.

Credits: Kris Aquino | IG

Base sa caption ng post ni Kris sa Instagram, ay galing sila sa isang kasal kung saan ay isa siya sa mga sponsor. At sa kanilang pag-uwi nga na may napakahabang biyahe na aabutin ng tatlong oras, ay nagpasya silang dumaan muna sa isang fast food restaurant para kumain.

Ayon naman kay Kris, ay ilang na rin siyang huling nakapasok sa fast food chain. Kaya naman, binigyang diin niya sa kanyang post, na masarap sa pakiramdam ang maging isang “normal, regular person”.

“It was more than 3 hrs to get back kaya nag stop sa fast food and it’s been YEARS since I’ve entered that particular brand and after the pandemic naaliw sa kin everyone with me especially Mel, because I said ang sarap maging normal, regular person.”

Credits: Kris Aquino | IG

Ngunit, hindi gaya ng mga ordinaryong tao na kumakain sa fast food ng mga oras na iyon, ay iba ang kanilang suot dahil nga, ang kanilang suot ay akma sa pinanggalingan nilang kasal.

Nagulat naman ang mga crew ng nasabing fast food chain sa biglaang pagdating ng hindi nila inaasahang mga customers. Kaya naman, hindi nila pinalampas ang pagkakataon na makapagpa-picture.

“Sinira ni rbchanco because sabi nya wala raw nag da-dine in naka gown and nagpapa picture lahat ng crew. i said walang basagan ng trip,”dagdag pa ni Kris.

Credits: Kris Aquino | IG

Pinasalamatan naman ni Kris ang mga service crew na nag-asikaso sa kanila para nga sa kanilang first date. At makikita naman na naging komportable at nag-enjoy ang mag-fiancee sa kanilang dine in sa nasabing fastfood chain, na nagsilbi na rin nilang first date.

“I just want to say thank you to the service crew at McDo Silang for having been so gracious & opening up an area for us. 1st time Mel & i ever ate out so you can say it was our 1st date – we won’t forget you.”

Credits: Kris Aquino | IG

Matatandaan na ilang linggo pa lamang ang nakakaraan magmula nang isapubliko ni Kris na sila ng dating DILG Secretary na si Mel Sarmiento ay engaged na. Ito nga ay matapos ibahagi ni Kris sa Instagram ang isang maikling video kung saan makikita ang napakaramig heart-shaped pink flowers at kasama niya si Mel. At sa caption ng kanyang post, ay sinabi ng Queen of All Media na “looking forward” na siyang maging isang Sarmiento. Sa nasabing post rin, ay pinasalamatan ni Kris si Mel, na itinuturing niyang “best friend” sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya.

Credits: Kris Aquino | IG

“To my best friend and the man i said yes to spending the rest of my life with, thank you for as bimb said loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man. It’s unreal how much more calm & peaceful i feel now that you’re here.”

error: Content is protected !!