Connect with us

Entertainment

Kris Aquino Engaged Na Kay Dating DILG Secretary Mel Sarmiento

Ang aktres at TV host na si Kris Aquino ay masaya ang buhay pag-ibig ngayon sa piling ng kanyang “mystery man” na si dating DILG Secretary na si Mel Sarmiento. Matatandaan na unang nalantad sa publiko ang relasyon nina Kris at Mel noong nakaraang buwan ng Agosto.

At ilang buwan lamang nga ang lumipas, ay ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram nito lamang ika-24 ng Oktubre, Linggo ng gabi, ang isang video kung saan makikita ang nakakakilig na tagpo kasama ang kanyang fiancee na ngayong si Mel Sarmiento.

Marami nga ang nagulat sa biglaang anunsiyo ni Kris, na talagang makikita ang saya sa mukha at hindi rin maitago ang kilig. Makikita sa unang bahagi ng video ang isang napakagandang pink heart-shaped flower bouquet. Nasundan naman ito ng video nina Kris at Mel na tila kinakabahan ngunit makikita ang masayang ngiti sa kanilang mukha. Tila naman sa sobrang kaba, ay hindi na nakapagsalita pa ang dalawa para sa dapat sana nilang isapubliko. At matapos nga magtulakan sa kung sino ang unang magsalita, ay nauwi nga ang kanilang anunsiyo sa take two.

Samantala, kapansin-pansin naman sa video na pagpayat ng katawan ni Kris, at sa unang bahagi ng caption ng kanyang post ay ipinaliwanag naman ng Queen of All Media ang dahilan ng kanyang pagpayat.

“Aamin ako. I’m only 95 pounds now. This pandemic and many stressful events that happened since mid-August really caused my weight to drop and my health to suffer.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Nabanggit rin ni Kris sa kanyang post ang pagpanaw ng kanyang nakakatandang kapatid na si former President Benigno “Noynoy” Aquino III. Ayon nga kay Kris, ay ayaw raw ng kanyang kapatid na iwan siya ng walang nagbabantay at nag-aalaga na mapagkakatiwalaan.

“It’s been exactly four months since we so unexpectedly lost our brother. Sure ako, ayaw niya talagang iwanan si ‘bunso’ na walang magbabantay at mag-aalaga na siguradong pinagkakatiwalaan niya.”

Sa mga sumunod namang pahayag ni Kris sa kanyang IG post, ay dito na nga niya ibinunyag na ibinigay na niya ang kanyang matamis na “Yes” kay Mel para makasama ito habang buhay. Binigyang diin rin ni Kris na handa na siyang magbago ng kanyang apelyido mula sa pagiging Aquino para maging Sarmiento.

Pinasalamatan rin ni Kris si Mel, dahil sa tunay at wagas na pagmamahal nito sa kanya at sa kanyang dalawang anak na sina Bimby at Joshua. Nilinaw naman ni Kris, na napagkasunduan nila ni Mel na maging pribado ang kanilang personal na buhay. Kaya naman, ito na marahil ang huling beses niyang magbabahagi ng mga impormasyon patungkol sa mga kaganapan sa personal niyang buhay.

  1. “To my best friend and the man I said yes to spending the rest of my life with, thank you for as Bimb said loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man. It’s unreal how much more calm and peaceful I feel now that you’re here…. We agreed, what’s personal shall remain private so hanggang dito lang ang puwede kong ma-share. Except I guess to say as much as I am proud to be an Aquino, looking forward na kong maging Sarmiento.”

Si Mel Sarmiento ay umupong Vice Mayor ng Calbayog City mula taong 1992 hanggang 1995. Naging Mayor rin siya ng nasabing lungsid ng taong 2001 hanggang 2010. Maliban rito ay nating representative din siya ng1st District ng Samar mula 2010 hanggang 2015. Naluklok rin siya sa pwesto bilang Secretary of the Department of Interior and Local Government sa pamumuno former President Noynoy Aquino.

error: Content is protected !!