Connect with us

Entertainment

Korina Sanchez, Proud na Ibinahagi ang mga Kahanga-hangang Larawan ng Lumalaki nilang Kambal na Anak ni Mar Roxas

Published

on

Isa nga sa pinakamasayang bahagi ng pagiging isang magulang ay ang masubaybayan ang paglaki ng mga anak. Dahil nga sa mabilis na paglipas ng panahon, hindi natin namamalayan na ang maliliit nating mga supling ay unti-unti na ring nagsisipaglakihan.



Kaya naman, hindi matatawaran ang hatid na kaligayahan sa isang magulang na masaksihan ang paglaki ng mga anak. Katulad na lamang ng mag-asawang Korina Sanchez at Mar Roxas na talagang kaagapay ang isa’t isa sa pag-aalaga sa kanilang kambal.

Photo credits: Korina Sanchez Roxas | Instagram

Matatandaan na ang mag-asawang Korina Sanchez at Mar Roxas ay ikinasal noong October 7, 2009 at dahil nga parehong abala sa kanilang mga trabaho, napagpasyahan na lamang nila na kumuha ng isang surrogate sa U.S upang siyang magbuntis ng kanilang mga anak. Ito nga ang dahilan ng pagsilang ng kambal na anak nina Korina at Mar.

Photo credits: Korina Sanchez Roxas | Instagram

At ngayon nga, hindi matatawaran ang kanilang saya sa pagdating ng kambal nilang anak sa kanilang buhay, ito nga sina Pepe at Pilar. Parang kailan lang ang mga maliliit at cute na sanggol noon ay tila handa nang pumasok sa paaralan ngayon.



Photo credits: Korina Sanchez Roxas | Instagram

Isa nga si Korina sa mga ina na labis na ipinagmamalaki ang mga anak, kaya naman halos mapuno na ng mga kahanga-hangang larawan ng kanyang mga anak ang Instagram account niya. Labis nga ang kaligayahan ni Korina dahil ang kambal na sina Pepe at Pilar ay ipinagkaloob sa kanila.

Photo credits: Korina Sanchez Roxas | Instagram

Makikita rin na maging ang asawang si Mar Roxas ay isa ring hands on dad sa kambal. Maliban naman sa mga adorable photos ng kambal, isa ring hilig ibahagi ni Korina ay ang kanilang family picture. Makikita nga sa kanilang pamilya ang isang masayang pamilya na binigyang kulay ng kambal.

Photo credits: Korina Sanchez Roxas | Instagram

Samantala, hindi naman mapigilan ng mga netizens ang humanga sa napaka-cute na kambal nina Korina at talaga nga namang nabihag ang puso ng mga netizens sa kanilang ka-cutan.



Photo credits: Korina Sanchez Roxas | Instagram

Talaga nga namang napakapalad nina Korina at Mar dahil biniyayaan sila ng anak, hindi lamang isa kundi kambal na anak. Sila nga ang nagpapasaya at nagbibigay kulay sa kanilang pamilya. Napupuno rin ng saya ang kanilang tahanan dahil sa kanilang kambal.

error: Content is protected !!