Connect with us

News

Korina Sanchez, Hindi Napigilang Sagotin ang mga Negatibong Pahayag ng mga Bashers Tungkol sa kanyang Kambal na Anak

Hindi na nga lingid sa kaalaman ng marami na hindi ipinagbuntis ng broadcast journalist na si Korina Sanchez ang kambal na anak nila ni Mar Roxas, kundi ay dumaan ang mag-asawa sa isang proseso na tinatawag na surrogacy. At ang paraan ng mag-asawa ay “gestational surrogacy” na ginawa sa United States kung saan ay kumuha sila ng surrogate mother na siyang magdadala ng sanggol sa kanyang sinapupunan sa loob ng 9 na buwan.



Photo credits: Korina Sanchez | Instagram  

At noong nakaraang taon nga, buwan ng Pebrero, ay masaya sinalubong ng mag-asawang Korina at Mar ang kanilang kambal na anak na si Pilar at si Pepe. Bagama’t, iba ang nagdala o nagbuntis sa kambal, ay semilya pa rin ng mag-asawa ang bumuo sa katauhan ng kambal. Nangangahulugan lamang nito na, dugo at laman parin ng mag-asawa ang dumadaloy sa kanilang anak.
Ngunit, tila marami ang mga negatibong pahayag ang natatanggap ni Korina patungkol sa kanyang kambal.

Photo credits: Korina Sanchez | Instagram

Sa panayam sa broadcaster sa programa ni Vice Ganda na Gabing Gabi na Vice noong Setyembre 12, ay hindi na nakapagpigil pa si Korina sa sagotin ang mga patutsada ng mga basher.

“Sabi ko, magnega kayo hanggang gusto niyo. Basta ako masaya. Goodbye. Bruha please leave.”



Ayon pa nga kay Korina, ay marami umano ang hindi naniniwala na anak niya ang kambal. Ang ilan pa nga raw sa mga basher, ay sinasabi na kung saan lang daw nila pinulot ang fetus. At bilang isang ina, ay hindi naman talaga magandang marinig ang mga salitang ito.

“Alam mo, ayaw nila maniwala na anak ko si Pepe. Alam mo na, ‘yung mga naghihinala ng mga kung ano-ano. Baka binili ko lang sa supermarket ang mga fetus. May mga ganiyan.”

Photo credits: Korina Sanchez | Instagram

Ngunit, paliwanag naman ni Korina, ang kanyang ama ay may lahing Latino. At ang nakikitang katangian kay Pepe tulad ng light brown na buhok at kulay ng mata, ay namana umano ng bata rito.

“Pero alam mo kung makikita mo ang mukha ng tatay ko, ang tatay ko kasi may dugong Latino, nong bata siya talagang super light brown ‘yung buhok at kakulay ng mata ni Pepe.”

Samantala, sa kabila ng mga negatibong pahayag ng mga basher sa kanyang kambal ay nagdesisyon na lamang si Korina na wag itong pansinin at pagtuunan na lamang ng pansin ang mga positibong bagay.

“Ang decision ko sa online ko, gusto ko lahat positive lang… It’s such a powerful medium. Dapat gamitin ‘yan na mag-spread ng good vibes at positivity kaysa lungkot at nega.”

Photo credits: Korina Sanchez | Instagram

Hindi naman maikakaila na magmula ng dumating sa buhay nina Korina at Mar ang kambal ay malaki ang nabago sa buhay nila. Ang kambal nga ang nagsisilbi nilang kaligayahan na siyang nagbibigay kulay sa kanilang pamilya.



Photo credits: Korina Sanchez | Instagram

Ayon nga kay Korina, sa titig at ngiti pa lang ng kambal ay nawawala na ang kanyang pagod at mga problema.

“Pilar, [kung] masama ang mood ko, gumaganda ang mood ni mama. Tapos si Pepe, kapag lumapit sa ‘yo, mapungay ang mata… Titingin lang siya sa akin at ngingiti. Hay naku, nawala na lahat ng problema at pagod ko. Gano’n talaga.”

error: Content is protected !!