Korean Child Star, Ye-Seung Ng “Miracle in Cell No. 7” Teenager na Ngayon

Tayong mga Pinoy ay kilala sa pagiging mahilig sa mga Korean Drama iba man ang lenggwahe natinsa mga iniidolo natin hindi noon maitatanggi na kuhang-kuha nila ang panlasa at kiliti nating mga Pilipino pagdating sa mga nag-gagandahang tema ng kanilang mga teleserye at maging sa pelikula.



Isa na nga rito ay ang palabas na “Miracle In Cell No.7” na paniguradong nagpaluha sa maraming fans ng mga Korean drama. Pumatok na pelikula na umere noong taong 2013 kung saan umikot ang istorya sa isang Ama na may sakit sa pag-iisip na napagbintangan sa isang krimen at ang kanyang anak na si Ye-Seung na palihim na pumasok sa bilangguan para dalawin ang kanyang ama.

Pinagbidahan ng isang pitong taong gulang na batang babae na sa totoong buhay ay si Kai So-Woon, isang malambing at nakakawiling bata, masasabi mong nagawa niyang ipadama sa manunuod ang damdaming angkop lalo na sa mga bahagi na may drama. Hindi rin matatawaran ang pagganap ng Korean actor na si Ryu Seung-ryong bilang kaniyang ama sa nasabing pelikula.

Halos anim na taon na ang lumipas mula ng ito ay maipalabas pero ang emosyon at tumatak na impresyon ng pelikula ay damang-dama at naroroon pa rin. Kahit ilang beses pa nga itong panoorin ay hindi pa rin mapigilan ng mga manood na umiyak kagaya noong una nila itong napanood.

Kamakailan lamang ay muling nagkita sila Kai So-Won at Yong-Goo at hindi nila pinalampas ang pagkakataon na magpakuha ng litrato na ibinahagi nila din online.



Ngayon ay labing tatlong taong gulang na si Kai So-Won at ganap ng teenager, pero nanatili pa rin na magiliw at magandang bata. Masasabi nga natin na ang kanilang muling pagkikita ay parang isang totoong reunion ng isang ama at anak.

Ngayong nalalapit na kapaskuhan ay magkakaroon ng Pinoy Remake ang magandang istorya na ito, dahil isinumite na ang nasabing pelikula sa prestihiyosong Metro Manila Film Festival. Marami naman ang nasabik malaman kung sino ang napusuang gumanap sa mga karakter ng pelikula.

Ang ama na si Yong-Goo, ay gaganapan ng kilalang aktor na si “Aga Muhlach”. Samantala ang matandang Ye-Seung na ginanapan ng Korean Idol na si Park Shin Hye ay unang ibinigay sa aktres na si Nadine Lustre, pero sa ilang kadahilanan ay hindi ito natuloy. Kung kaya naman inalok ito sa Kapamilya aktres na si Bellla Padilla.

Hindi man inasahan na hindi si Nadine ang bibida sa role dahil sa kanyang biglaang pagback out, ipinahayag naman niya na sigurado siya na kayang bigyan ni Bella ng magandang pag ganap ang naturang karakter.



Para naman sa batang Ye-Seung, napiling gumanap ang sampung taong gulang na child star na si Xia Vigor, una siyang sumikat nang siya ay sumali sa “Your Face Sounds Familiar: Kids (season 1)” at i-impersonate ang sikat na mang-aawit na si Taylor Swift.