Connect with us

Entertainment

Komedyanteng Si Wacky Kiray, Ipinasilip Ang Kanyang 4-Storey Modern House Sa Quezon City Na Bunga Ng Kanyang Pagsisikap

Naging tanyag ang pangalang Wacky Kiray, 41 taong gulang na may tunay na pangalang Ricardo Balarosa Jr. nang sumali ito at manalo bilang “The Greatest Entertainer of ABS-CBN”. Naging unang hakbang ni Wacky na talaga namang isang talentadong komedyante, TV host at aktor ang pagkapanalo niya sa “I Can Do That” noong taong 2017 sa pagtupad ng kanyang pangarap na bahay sa Quezon City.

CREDITS: Wacky Kiray|IG

Sa kanyang husay nga ay napabilang siya sa mga mamalaking proyekto kung saan nasakama niya ang mga hinahangaang TV host at komedyante tulad na lamang nina Bayani, Alex Gonzaga, Ogie Alcasid, Angeline Quinto sa hit game show na I Can See Your Voice, at pinapangunahan ni Luis Manzano ang nabanggit na programa. Mas lalong nahubog ang kakayahan ni Wacky at tunay ngang nararapat na kamit niya ang kanyang katayuan sa buhay ngayon.

CREDITS: Wacky Kiray|IG

Bagama’t hindi naging pabor ang mundo kay Wacky bago niya pasukin ang mundo ng showbiz. Isa mga karanasan niya ang magtrabaho sa comedy bar. Dito naman ay minahal at kinagiliwan siya ng mga tao dahil sa nakakatawa at orihinal na punchline nito. Ang karanasang ito ang nag-udyok sa kanya upang mas lalong magpursige at magsumikap sa buhay upang tuparin ang kanyang mga pangarap.

CREDITS: Wacky Kiray|IG

At matapos nga ang 2 taon matapos niyang manalo sa entertainment competition, ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang mga detalye ng kanyang 4 storey modern house na matatagpuan sa Quezon City. Ito nga ang bunga ng kanyang pinagtrabahuan sa industriya at nakuha niyang premyo sa I Can Do That.

CREDITS: Wacky Kiray|IG

Kaya naman, hindi matatawaran ang ngiti ng tagumpay sa mukha ng singer at mahusay na komedyante na si Wacky Kiray sa pagkaroon nito ng bago at napakagandang bahay.

CREDITS: Wacky Kiray|IG

Ang tanging inaaasam lang niya ang magkaroon ng matatawag na sariling tahanan. Subalit sa hindi inaasahan, ay maraming pinto ang nagbukas para sa kanya at lalong umugong ang pangalang Wacky Kiray pagkatapos manalo sa I Can Do That.

“Nang manalo ako sa I Can Do That last June 2017, ipinangako ko na ilalaan ko ang perang napanalunan para makabili ng bahay. At dahil sa lahat ng programang aking kinabibilangan sa ABS-CBN sa mga producers at brokers na patuloy na maniwala sa aking kakayahan…. sa wakas naiskatuparan ko na rin siya.”

Labis rin ang pasasalamat ng komedyante sa lahat ng tumulong sa kanya sa pagkamit ng kanyang pangarap. Kabilang na rito sina Unkabogable star Vice Ganda, TV host-actor na si Luiz Manzano at ang Director na si Bobot Cortez na nagbigay ng center table bilang regalo.

CREDITS: Wacky Kiray|IG

Walang imposible maniwala ka lang at magtiwala na kaya mo, na magiging sayo ang lahat ng minimithi mo. Iyan ang tiyak at inspirasyong ipinakita ni Wacky Kiray sa pagkamit niya ng pangarap na maipatayo ang kanyang napakagandang bahay na may modernong disenyo.

error: Content is protected !!