Connect with us

Showbiz

Komedyanteng Si Pokwang, Naging Emosyunal Nang Ibahagi Na Naawa Na Lamang Siya Sa Taong Nanloko Sa Kanya Matapos Malaman Ang Kalagayan Nito Sa Buhay

Kahit nga naloko na ng taong kanyang pinagkatiwalaan ay nanaig parin ang kabutihan ng puso ng aktres at komedyanteng si Pokwang.

Kamakailan lamang ay naging bisita ni Ogie Diaz ang kanyang kaibigan na si Pokwang upang makapanayam. At dito nga ay talagang bumuhos ang luha ni Pokwang matapos ikwento ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay.

Photo credits to the owner

Kinamusta muna ni Ogie ang buhay ni Pokwang sa gitna ng pandemya. Kwento nga ng komedyante ay naging masipag at madiskarte siya para kumita ng pera lalo na nga’t apektado rin ng pandemya ang kanyang trabaho bilang artista.

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na nagbebenta ng kung ano-ano si Pokwang online, at kabilang na nga rito ang mga lutong ulam. Habang nagkukwento nga, ay naging emosyonal si Pokwang matapos niyang ibahagi na naloko siya ng taong kanyang pinagkakatiwalaan.

Photo credits to the owner

Kwento ng komedyante, P58,000 ang perang nawala sa kanya matapos itakbo ng taong nanloko sa kanya. Ito sana ay ipapagawa niya sa nasirang ihawan na ginagamit niya sa isa pa niyang negosyo.

Sumama ang loob ni Pokwang dahil hindi niya inaasahan na lolokohin siya nito. Ilang ulit na kasi siyang nagpagawa ng mga kasangkapan sa kanyang bahay at naaayos naman hanggang nitong huli nga ay hindi na niya mahagilap matapos itakbo ang pera.

Photo credits to the owner

Pagbabahagi pa ni Pokwang ay ipapa-Tulfo na sana niya ito ngunit nangibabaw ang awa sa kanyang puso matapos niyang malaman ang estado sa buhay ng taong nanloko sa kanya. Kwento nga ni Pokwang nang tingnan niya ito sa Facebook, ay talagang naawa siya sa kalagayan nito kaya sa huli ay hinayaan na lamang niya ito.

“Pero nung tiningnan ko sa Facebook ‘yung kalagayan nila, nawala ‘yung galit ko,” saad ni Pokwang.

“Naiinis pa rin ako kasi feeling ko tinutulungan ko na kayo e… Nakita ko may maliliit na anak. Pero sana nagsabi na lang kayo sa akin kung ano para natulungan ko pa kayo, kasi ‘pag pinost ko yun sa social media ko marami pang oorder sa’yo e, di ba?” dagdag pa nito.

Photo credits to the owner

Inilabas rin ni Pokwang ang kanyang saloobin, dahil akala raw ng iba porket isa siyang artista ay madami na siyang pera. Ngunit, sa likod nga nito ay matinding kasipagan at diskarte ang kanyang ginawa para kumita ng pera ngayong panahon ng pandemya.

Photo credits to the owner

“Naaawa lang din ako sa sarili ko na tumulong ka na’t lahat, pinagpaguran po na yung pera na yun, pinagpuyatan ko, pwede pa akong magka-C0VID dahil lumalabas ako magtrabaho lang, tinutulungan mo na, gano’n pa”.

error: Content is protected !!