Connect with us

Entertainment

Komedyanteng si Lassy ng Beks Battalion, Masayang-masaya Matapos Ipakita ang Bagong Bili Niyang Sasakyan

Dahil nga sa pandemya, kabilang sa mga naapektuhang nagsara ay ang mga comedy bars. Kaya naman, ang mga sikat na komedyante at stand up comedian na naghahatid ng saya sa mga comedy bars ay nawalan ng hanapbuhay.

Mabuti na lamang nga at nagkaroon ng pagkakataon ang mga ito’y magamit ang kanilang talento sa pagpapatawa sa social media at maging sa YouTube.

Katulad na lamang nga ng magkakaibigang sina Lassy, MC at Chad Kinis na talagang ipinapamalas ang husay sa pagpapatawa sa kanilang mga tagapanood sa kanilang YouTube Channel. Kilala naman ang tatlong magkakaibigan sa pangalan ng kanilang grupo na “Beks Battalion”.

Ang Beks Battalion nga ang isa sa pinakasikat na mga komedyanteng vlogger sa bansa. Hindi naman talaga ito nakapagtataka sa dami ng kanilang tagahanga at followers. At dahil nga sa pinagsama nilang galing sa pagpapatawa ay marami silang nabibigyang kaligayahan.

Photo credits: Beksbatallion | Youtube

Samantala, dahil sa dami ng tumatangkilik sa mga nakakaaliw na videos na mapapanood sa kanilang YouTube Channel ay malaki na rin ang kanilang kinikita. At isa nga sa masasabing katas ng Youtube, ay ang bahay na kanilang naipundar para sa kanilang grupo ang Beks Battalion house.

Photo credits: Beksbatallion | Youtube

Maliban dito, ay unti-unti na ring natutupad ang pangarap ng bawat isa. Isa nga sa mga miyembro ng Beks Battalion na si Lassy, ay ipinakita ang bagong biling sasakyan sa kanyang mga kaibigan at mga tagahanga sa isang vlog.

Photo credits: Beksbatallion | Youtube

At tulad ng inaasahan, nang ipakita ni Lassy sa dalawa niyang kaibigang sina MC at Chad Kinis ay labis na natuwa ang mga ito para sa bagong biyaya na dumating sa kanyang buhay. Ang napakagandang sasakyan na ito, ay isang Expander Cross na 7 seater.

Photo credits: Beksbatallion | Youtube

Matapos ipaliwanag ang ilang detalye sa sasakyan, ay sumakay na nga ang magkakaibigan upang itest drive ang bagong sasakyan. Mapapansin nga, na ingat na ingat si Lassy sa kanyang new car, at ang ilang bahagi nga nito ay hindi pa naaalis ang plastic, at ayaw ring alisin ng komedyante.

Photo credits: Beksbatallion | Youtube

Pagbabahagi naman ni Lassy, ay binili niya ang sasakyan na may kalakihan para hindi na mahirapang sumakay ang kanyang inang naka-wheel chair.

Pagbubunyag naman ni Chad sa kaibigang si Lassy, ay matagal na umano itong hindi nakakabili ng bagong sasakya. At bago nga ito bumili ay 8 taon o 6 na taon ang pagitan bago sundan.

Photo credits: Beksbatallion | Youtube

Sa huli nga, nagpasalamat si Lassy sa mga taong nagmamahal at patuloy na sumusuporta. Masayang-masayang nga ang komedyante dahil nabili na niya ang kanyang dream car.

error: Content is protected !!