Connect with us

Entertainment

Komedyanteng si Kakai Bautista, Ipinasilip ang kanyang mga Bahay na Natirhan pati na ang Naipundar na Sariling Bahay na Dalawang Dekada Niyang Pinangarap

Napakasarap naman talaga sa pakiramdam ang makapagpundar o makapagpatayo ng bahay na matatawag na sarili at magsisilbing tahanan kasama ang pamilya. Ngunit, bago natin ito makamit ay kinakailangan munang paghirapan, magsumikap sa buhay. Malaking tulong rin kung sasamahan natin ito ng pagdarasal at pagtitiwala sa Diyos.




Dahil nga sa pagsusumikap ng komedyante at aktres na si Kakai Bautista at buong pusong pagtitiwala sa Diyos, matapos ang dalawang dekadang pagsusumikap sa buhay sa wakas ay nakapagpundar na siya ng kanyang sariling bahay. Mahabang panahon ng nangungupahan ang pamilya ni Kakai, at ilang bahay na rin ang kanilang nilipatan dahil nga sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Photo credits: ilovekaye | Instagram

Sa latest vlog nga ni Kakai ay proud niyang ibinahagi ang napatayong bahay na matagal na niyang pinapangarap para sa kanyang pamilya.

Ayon nga kay Kakai, ay ngayon lang sila nagkaroon ng sariling bahay. Kaya naman, labis ang kanyang pasasalamat sa biyayang ipinagkaloob sa kanya ng Diyos. Bagama’t, hindi pa tapos ang pagpapagawa ng kabuuan ng bahay, dahil nga sa ito’y naantala nang maglockdown ay hindi sila agad nakalipat. Ngunit, naniniwala ang komedyante na may dahilan ang lahat na kung saan ay darating ang tamang panahon para makalipat sila.

β€œAt naniniwala ako na makakalipat din ang pamilya ko dito. Si Lord ang bahala dahil siya ang gagawa ng paraan para matupad β€˜yun. Dahil napakarami na niyang tinupad sa mga pangarap ko.”

Ibinahagi naman ni Kakai na ang bahay naipundar niya ay bunga ng kanyang kasipagan sa isang endorsement kung saan nakasama niya ang kapwa komedyanteng si Eugene Domingo. Ayon pa nga, sa 42 taong gulang na aktres, ay hindi pa ito bayaran, ngunit para sa pangarap ay mas lalo pa siyang magsusumikap sa buhay. At hindi magtatagal ay mababayaran na rin niya ito.

β€œAng bahay na ito ay katas ng Jollibee Jolliserye with Ate Uge, endorsement ko. Kaya, JB house ang tawag ko dito. Di pa ito tapos dahil nagloan ako sa bank. Sugod lang, para sa pangarap kasi along kong pagtatrabahuhan ko ito at pagsisikapan.”

Hindi naman nakalimutan ng komedyante na ibahagi rin ang hirap na naranasan ng kanyang pamilya habang nangungupahan ng bahay. May pagkakataon pa nga raw na napalayas sila sa inuupahang bahay at muntik ng sa kalye tumira.




β€œGusto kong malaman niyo na napakaraming beses na kami napalayas sa mga narentahan namin. Dumating sa point na akala ko sa kalye na kami titira. Pero napakabuti ni Lord. 2 dekada akong nangarap para sa pamilya ko. Wag nating isipin na ang kahirapan na nararanasan natin ay parusa kungdi blessing na magpapatibay sa atin at sa ating faith.”

Masaya ring ipinakita ni Kakai, ang dati nilang naging tirahan at bahay na kanyang tinutuluyan kasama ang kanyang pamilya habang hindi pa sila nakakalipat sa bagong bahay.
Sa huli ay nagbigay naman si Kakai ng nakakaantig na mensahe sa mga nagnanais ring magkaroon ng bahay. Isa ngang inspirasyon ang hatid ni Kakai sa mga tulad niya na nagsisikap sa buhay na balang-araw ay matupad ang kanilang pangarap ng may pagtitiwala at buong loob na harapin ang mga hamon ng buhay.

β€œSa mga nakakabasa nito, walang deadline ang pangarap. Kahit anong age mo, kahit anong sitwasyon mo, basta gusto mong paghirapan ay matutupad. Tiwala sa sarili at tiwala kay Lord. β€˜Yan ang formula na kailangan mo. At tandaan mo, lahat ng bagay na nakukuha mo ng mabilis kapag di mo inalagaan ay mawawala din ng mabilis”.

error: Content is protected !!