Connect with us

Stories

Komedyanteng si K Brosas, Ibinahagi Na Hindi Nakilala Ang Tunay Na Ama, Inamin na Dating Akyat-Barko Ang Kanyang Ina

Sino nga ba ang mag-aakalang sa likod ng masasayang ngiti ng komedyanteng si K Brosas ay nakatago pala ang mapait niyang karanasan sa kanyang nakaraan.

Sa pagsapit ng kanyang ika-dalawampu’t isang taong pananatili sa showbiz, ay naimbitahan ang singer-actress na si K Brosas sa programa ng aktres at TV host na si Toni Gonzaga na “Toni Talks” sa isang episode nito.

Pag-amin ng singer-actress sa dami ng mga interview na nag-guest siya, ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na ibabahagi niya sa publiko ang kanyang personal na buhay at mga pinagdaanan magmula noong siya’y bata pa. At dito nga, ay naikwento ni K ang kanyang nakaraan at relasyon sa kanyang mga magulang.

Diretsahan ngang inamin ni K na ang trabaho noon ng kanyang tunay na ina ay isang entertainer o “Akyat-Barko” noong dekada 70 sa Olonggapo. Ang kanyang ina nga ay akyat-baba sa barko para paligayahin ang mga dayuhang Amerikano at iba’t ibang lahi mula sa ibang lugar. Dahil nga dito, ay hindi alam ng nanay ni K kung sino ang nakabuntis sa kanya. Kaya namam, lumaki ring hindi nakikilala ni K kung sino ang kanyang tunay na ama.

Bagama’t nakilala ni K ang kanyang tunay na ina na nagluwal sa kanya, ay hindi naman siya sa poder nito lumaki. Pagkasilang kasi kay K, ay agad siyang ibinigay nito sa kapatid ng kanyang ina at ito na ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya.

Pagbabahagi pa ni K, ay napuno ng pait ay lungkot ang kanyang kabataan kung saan nga ay hindi niya nadama ang pagmamahal ng isang pamilya. At dahil nga alam niyang hindi siya tunay na anak ay lumaki siyang nagrerebelde. Kaya naman, inamin rin ni K na naging “Battered Chicken” siya ng kinagisnang pamilya. Ibig sabihin nga nito, ay madalas siyang saktan pisikal at binubugbog ng nakilalang mga magulang. Ngunit, pag-amin ng komedyante, kaya naman daw siya nasasaktan noon ay dahil rin sa mga masasama niyang ginagawa katulad na lamang nga ng pangungupit at pagsagot sa mga nakakatanda.

Pagbabahagi pa ni K, noong 15 taong gulang siya ay nahampas niya ng electric fan ang kanyang tunay na ina nang mag-away sila. Dahil nga sa mga hindi magagandang nangyari sa buhay niya, ay hindi niya pinalampas ang pagkakataon na tanggapin ang offer sa kanya na kumanta abroad. At ito nga ay agad niyang tinanggap at hindi na nagpaalam kahit kanino.

Dahil nga sa taglay na talento sa pag-awit, ay hindi na nakapagtataka na naging matagumpay ang kanyang karera. Ngunit, sa pag-uwi niya Pilipinas ay hindi inaasahan na siya’y mabuntis nang walang kinagisnang ama ang kanyang anak. Sa kabila nito, ay naging positibo sa buhay si K kung saan nga ay mas inisip na sa pagdating ng kanyang anak sa kanyang buhay, ay nagkaroon siya ng kakampi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas)

Samantala, maliban sa mga kinaharap na pagsubok ni K sa kanyang buhay, ay nadiagnosed rin siyang may chronic anxiety disorder kung saan ay halos everyday siyang nag seseizure. Kaya naman, mapapansin na may mga panahon ang pagbawas ng kanyang timbang.

Sa kabila naman ng mga nangyari sa buhay niya, ang tanging hangad niya ngayon ay maging maayos ang relasyon nila ng kanyang tunay na ina dahil hanggang ngayon nga ay hindi pa sila nagkakaayos. Bagama’t, hindi naman madali ang lahat sa kanila, ay umaasa naman ang komedyante na darating ang panahon na magkaayos sila habang sila’y nabubuhay.

Hindi naman maikakaila na sa matinding karanasan ni K sa kanyang buhay, ay naging coping mechanism na niya ang pagpapatawa. At ayon naman sa kanya, hangga’t kaya niyang magpatawa at magbigay kasiyahan sa publiko ay ipagpapatuloy niya ang paggamit ng kanyang talento ipinagkaloob sa kanya sa abot ng kanyang makakaya.

error: Content is protected !!