Connect with us

Entertainment

Komedyanteng si John Estrada, Naawa at Sinabi na Bibigyan ng Pera si Willie Revillame Matapos Bumisita sa Napakaganda Nitong Resort

Kilala na sa industriya ng showbiz ang pagiging isang mahusay na komedyante ni John Estrada. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung marami sa kanyang mga tagahanga ang aliw na aliw sa kanyang mga kwelang jokes.

At kamakailan nga, ay muli na namang naghatid ng goodvibes si John Estrada sa kanyang mga tagahanga. Ito nga ay matapos bumisita ang komedyante sa napakagandang resort ni Willie Revillame na matatagpuan sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro kasama ang kanyang pamilya.




Sa pagdating pa lang nga ni John sa resort, ay agad na itong nagbiro kay Kuya Wil. Bungad nga ni John sa video, ay sinabi nito na nasa resort siya ng kanyang matalik na kaibigan na nakakaawa naman raw dahil wala itong pera. At tila nakaintindi naman si Kuya Wil at sinakyan ang biro ng komedyante, kaya naman nagkunwaring malungkot at nakakaawa nang ipakita sa camera ang kanyang hitsura.

Photo credits: Celebrity Story | Youtube

Tuwang-tuwa naman si John habang binibiro ang kaibigan. Kasabay nito, ay ipinakita ni John ang napakaganda at napakalawak na resort ni Kuya Wil. Makikita rin ang napakaraming sasakyan ni Kuya Wil na nakaparada sa ibaba ng kanilang kinaroroonan. Sa tanawin pa lang, ay sadyang hahangaan na ang taglay na kayamanan ni Kuya Wil, na siyang nagmamay-ari ng napakaganda at napakalawak na resort.

Photo credits: Celebrity Story | Youtube

Dahil dito, ay patuloy naman ang pagbibiro ni John, at sinabi na kaya raw siya bumisita sa kaibigan, ay upang pautangin ito ng pera dahil walang-wala nga raw talaga ito.

Samantala, matapos ipakita ang ganda ng resort at makausap ang kaibigan, ay ipinakita rin ni John ang pagsakay sa chopper kasama ang kanyang pamilya. Noong una nga, ay kinakabahan ito sa pagsakay ngunit sa huli ay naenjoy na nito dahil sa ganda ng tanawing makikita habang lulan sila ng chopper.

Photo credits: Celebrity Story | Youtube

Photo credits: Celebrity Story | Youtube

Sa muling pagkikita naman nina John at Kuya Wil, ay marami silang napasayang mga manonood. Talagang tunay at tapat ang kanilang pagkakaibigan, dahil gaano man kalayo ang kinaroroonan ng lugar ni Kuya Wil, ay pinuntahan talaga ito ng komedyante para batiin sa nalalapit na pagdiriwang ng kaarawan ni Kuya Wil.

Photo credits: Celebrity Story | Youtube




Photo credits: Celebrity Story | Youtube

Ang kwelang video na ibinahagi ni John, ay talagang naghatid ng goodvibes at nahuli ang kiliti ng kanyang mga tagahanga. Lalo namang natuwa ang mga ito, dahil kasama si Kuya Wil na kilala rin bilang isang komedyante at isang tao na may napakabuting kalooban na hinahangaan ng lahat.

Hindi naman maikakaila kung gaano kayaman si Kuya Wil sa taglay niyang mga properties. Ngunit sa kabila nito, ay nananatili parin ang pagiging humble ni Kuya Wil.

error: Content is protected !!