Connect with us

Entertainment

Komedyanteng si Jimmy Santos, Sinubukan din ang Paggawa ng Uling na Kabuhayan ng mga Katutubong Aeta sa Pampanga

Isa sa pinagkakaabalahan ngayon ng komedyante at dating basketbolista na si Jimmy Santos ay vlogging. Dahil nga sa pandemya, ay mas nagkaroon ng mas maraming oras si Jimmy na ipakita sa kanyang mga tagahanga ang kanyang buhay habang siya’y naninirahan sa Pampanga.

Photo credits: Jimmy Santos | Youtube

Kung ating matatandaan ay isang mahusay na komedyante si Jimmy sa mga pelikula at maging sa telebisyon. Isa rin siyang mahusay na TV host na dati nating napapanood sa Eat Bulaga.

At upang mas lalo pang maging bukas ang kanyang buhay sa publiko, ay pinasok na rin nga ni Jimmy ang vlogging para magbigay update sa kanyang mga tagahanga lalo na nga’t hindi na natin siya napapanood sa telebisyon.

Madalas ibahagi ni Jimmy sa kanyang mga vlog ang simpleng buhay niya ngayon sa probinsya ng Pampanga. Kabilang na nga rito ang magagandang pasyalan at lugar sa probinsya pati na rin ang mga kabuhayan ng mga tagaroon. At kamakailan lamang nga, ay muling inulan ng paghanga si Jimmy, matapos niyang ipasilip ang paggawa ng uling na pangunahing kabuhayan ng mga katutubong Aeta sa Pampanga.

Photo credits: Jimmy Santos | Youtube

Sa latest vlog ni Jimmy na mapapanood sa kanyang YouTube Channel, ay dinala niya ang kanyang mga tagahanga sa Clark Sun Valley at sa Barangay Sapang Bato sa Angeles, Pampanga. Dito nga ay ibinahagi ng komedyante kung paanong nakakaraos sa hirap ng buhay ang mga nakatirang katutubong Aeta rito sa pamamagitan ng paggawa ng uling at pagbenta nito.

Photo credits: Jimmy Santos | Youtube

Ibinahagi naman ng komedyante na ang Clark Sun Valley dati umanong bundok kung saan nga ang pangunahing hanap buhay ng mga taong nakatira sa lugar ay ang pagtatanim ng mga punong kahoy at gulay.

“Kung saan ito ay dati pong bundok, ang nagtatanim dito ay mga taga Sapang Bato. Sari-saring bato, sari-saring punongkahoy ang kanilang itinatanim. Mga gulay, kamote, kung anu-ano pa, dahil doon po nila kinukuha ang kanilang kabuhayan.”

Ipinasilip naman ni Jimmy nang makarating sa Sapang Bato ang kilalang sapa na noon nga ay matubig ngunit ngayon ay naging mabato na dahil sa tagtuyot.

Mapapanood rin sa vlog ni Jimmy, na sinubukan niya ang paggawa ng uling. Dinayo nga ng komedyante ang kabundukan kasama ang mga katutubong Aeta para matutunan ang paggawa ng uling na siyang ginagamit sa pagluluto ng pagkain at pag-iihaw.

Photo credits: Jimmy Santos | Youtube

Makikita naman na talagang walang kaarte-arte si Jimmy habang nakikipagsabayan sa mga katutubo sa pagkuha ng mga kahoy na gagawing uling.

Photo credits: Jimmy Santos | Youtube

Tila nga sanay na sanay na si Jimmy sa pakikipaghalubilo sa kanyang mga kababayan, at kitang-kita naman kung gaano siya kasimple at kakomportable sa habang tumutulong sa paggawa ng uling.

Photo credits: Jimmy Santos | Youtube

Tunay nga na sa kabila ng kasikatan ay hindi parin nawala kay Jimmy ang pagiging mapagkumbaba at simple sa buhay. Nasaksihan naman ni Jimmy kung paano magtulungan at magdamayan ang ating kapatid na katutubo na sa kabila ng hirap ng buhay ay talagang nagkakaisa sila.

“ito yung mga kapatid nating katutubo rito, nagdadamayan silang lahat para ho sa isa’t-isa, mas madali nilang magaawa ang bawat bagay na gusto nilang gawin yung ikabubuhay nila.”

error: Content is protected !!