Connect with us

Entertainment

Komedyanteng si Bayani Agbayani, Ibinahagi ang Hirap na Kanyang Pinagdaanan Bago Makamit ang Tagumpay, Naging Kargador sa Divisoria Para Makapagtapos ng Pag-aaral

Bago nga makamit ng komedyanteng si Bayani Agbayani ang tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon, ay hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan. Sa panayam ng aktres na si Aiko Melendez, ay nagbalik tanaw ang komedyante sa hirap ng buhay na kanyang naranasan noon.

Lingid nga sa kaalaman ng marami, para lamang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo si Bayani Agbayani ay naging isa siyang kargador sa Divisoria upang matustusan at mapag-aral ang sarili.

Sa nasabing panayam ay unang napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa nakamit na tagumpay ni Bayani noong sumikat ang pinauso nitong kanta na “Otso-Otso”. Tanong nga ni Aiko kay Bayani, ay kung ano ang pakiramdam na isa parin sa mga sikat na awitin ang kanyang kantang “Otso-Otso”.

Ayon nga kay Bayani, ay mahalaga sa kanya ang Otso-Otso dahil ang mga numerong ito ay may malaking parte sa kanyang buhay. Tulad nga ng isang deboto ng Katoliko na naniniwala sa Birheng Maria, ay naniniwala si Bayani na ang dahilan ng tinatamasa niyang tagumpay sa buhay ay dahil sa kanyang pagiging isang deboto.

“Sabi ko, ‘Alam mo ‘yung ‘Otso-Otso’ na ‘yan, nu’ng natigil ako sa school tapos bumalik ako pinag-aral ko ‘yung sarili ko, nag-umpisa ako 1988.’ Otso-Otso na. Tapos Marian devotee ako, dinaanan ko po lahat ng religions sa buong Pilipinas, ito lang po ‘yung paniniwala ko. Naniniwala ko kay Mama Mary. Kaya ‘yung mga anak ko Maria Thalia, Rosalinda Marie, Mary Mar, at Marian Sabrina.”

“Ang birthday ni Mama Mary, September 8, ang Immaculate Concepcion is December 8. So dun pa lang, sabi ko may regalo pala talaga sa akin ni Mama Mary ‘yung 88.”

Matapos nga nito, ay ibinahagi naman ni Bayani ang hirap na kanyang pinagdaanang sa buhay para lamang maigapang ang kanyang pag-aaral upang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

Kwento nga ng komedyante, magmula sa pag-aaral ng elementarya ay nagsimula na siyang kumayod at dumiskarte sa pagtitinda ng kung anu-ano para makapagtapos ng pag-aaral sa elementarya. Hanggang sa makarating ng highschool ay nagpatuloy ang pagtitinda niya ng kung anu-ano.

“Kasi po, ang hirap. Nako po, sobrang hirap po ng pinagdaanan ng buhay ko since [nasa] elementary school palang ako. Nagtitinda ako ng mais, nagtitinda ako ng kahit na ano bago ako pumasok ng iskwelahan. Elementary ha.”

“Isipin mo nag-high school ako, hindi naman ako taga Maynila. Ewan ko kung sisihin ako ng Araullo. Pumasok ako ng Araullo ng address ko ay Pandacan — taga FTI Taguig naman ako — dahil 88 pesos lang ang tuition dun.”

Pagsapit naman ng kolehiyo, ay hindi naman natapos ang paghihirap niya maigapang lamang ang kanyang pag-aaral. Sa pagkakataong ito, ay pinasok rin niya ang pagiging kargador sa Divisoria at naging waiter na rin. Ayon nga kay Bayani, ay pinasok niya ang lahat ng malinis na trabaho, na basta’t marangal para lamang makapagtapos siya ng pag-aaral sa kolehiyo.

“Nakatapos ako ng college, nagkargador ako sa Divisoria. Nag-waiter pa ako. Lahat pinasok ko basta malinis na trabaho, marangal. Pinasok ko po lahat ‘yan para lang makapag-aral ako.”

At ngayon nga, na may sarili na rin siyang pamilya at mga anak, ay ganito na rin ang ipinapangaral niya sa kanyang mga anak, ang magtrabaho ng mangaral at magtapos ng pag-aaral.

“Yun nga ang binigay ng nanay ko na pangaral. Magtrabaho ka ng marangal, magtapos ka ng pag-aaral mo, para may baon ka sa iyong future. Kaya iyon din ang sinasabi ko sa mga anak ko. Eh ang mga anak ko naman matatalino.”

error: Content is protected !!