Connect with us

Entertainment

Komedyanteng Si Allan K Masayang Ibinahagi Ang ‘Sariling Disenyong’ Mamahaling Tahanan

Published

on

Sa araw-araw natin napapanuod si ‘Alan Joveness Quilantang’ o mas kilala natin bilang si Dabarkads ‘Allan K’ malamang ay nasanay na tayo na makita siya na kasama sa programang Eat Bulaga.

Masasabing naging matagumpay na talaga sa industriya ng showbiz ang 60 taong gulang na komedyante mula sa mga proyektong nagbigay sa kanya ng pagkakataon na maibahagi ang talento sa pagpapatawa hanggang sa sariling mga negosyo na naipundar niya.

Sa kabilang banda hindi naman ipinagdamot ng ‘Pambansang Ilong ng Pilipinas ang tagumpay na narating niya sa katunayan ay naging daan para sa ibang komedyante ang naipatayo niyang comedy bar kung saan nagpeperform dito ang iba pang komedyanteng katulad niya.

Samantala bukod sa propesyon na pinagbubutihan niya sa harap ng kamera, naging successful na rin ang Kapuso Host pagdating sa kanyang personal na buhay. Sa katunayan kung ikaw ay tagahanga niya dahil sa pagiging magaling na komedyante mapapabilib ka rin niya dahil sa naipundar niyang magarang tahanan.



 

Makikita mo sa kanyang social media ang bahay na masasabing produkto ng kanyang pawis at pagpupursigi bilang isang magaling na artista. Samantala hindi naman maiwasan ng kanyang mga fans na hangaan at maging inpirasyon ang idolo.



Masasabing ang bahay ni “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” cast ay simple pero elegante kung pagmamasdan mula sa mga modernong nitong interior at dekorasyon. Sa kabuuan ang bahay ay nakukulayan ng pinagsama-samang kulay puti, silver at white gold. At dahil sa pangarap talaga ni Allan na maging interior designer siya na mismo ang nakaisip ng mga disenyong gagamitin para sa kanyang sariling tahanan.

Dahil sa angking kakaiba ngunit simpleng ganda ng tahanan ng dating ‘BandaOke’ host naifeature na ito sa iba’t ibang balita sa katunayan naipalabas na ito sa ’24Oras Chika Minute ng GMA. Ilang netizen naman ang nagbigay ng magandang komento dahil sa maganda at nakakagaan sa pakiramdam ang dating ng bahay.

Sa kabilang banda kahit na malayo na ang narating ni Allan K ay patuloy pa rin siya sa paghahatid ng aliw at hindi nagsasawang pasayahin ang mga manunuod. Tunay na isa siyang inspirasyon para sa mga tagahanga na nagpapahatid ng mensahe na anumang bagay na iyong nais na makamit ay maabot kung sasamahan mo ito ng pagtitiyaga at pagsusumikap.

error: Content is protected !!