Connect with us

Entertainment

Kit Thompson, Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Kanyang Girlfriend Na Si Ana Jalandoni

Kamakailan lamang ay proud na ipinakilala sa publiko ni Kit Thompson ang babaeng nagbibigay kulay sa kanyang buhay. Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ay isinapubliko na nga ng aktor ang relasyon nila ng rising star na si Ana Jalandoni.

Credits: Kit Thompson | IG

Makikitang ibinahagi ni Kit ang sweet na larawan nila ni Ana habang nasa isang dinner date. At ayon nga sa kanyang caption, ay ito ang kanilang first date. Agad namang nag-iwan ng komento si Ana sa post ni Kit ng simpleng “MyLove”. Sinagot naman ito ni Kit ng isang Smiling Face with Heart-Eyes emoji.

Samantala, ito naman ang unang pagkakataon na ipinahayag ni Kit sa publiko ang tunay na ugnayan nila ni Ana. Matatandaan naman na sinabi ni Kit sa isang panayam na hiwalay na sila ng huli niyang naging girlfriend.

Nang makita naman ng mga kaibigan ni Kit ang sweet na larawan nila ni Ana ay marami naman ang talagang natuwa. Ngunit, ang ilan naman sa kanila ay kinantiyawan ang aktor sa bago nitong pag-ibig. Hindi naman naitago pa ni Kit sa kanyang mga kaibigan na masaya siya ngayon sa piling ng kanyang nobyang si Ana.

Credits: Kit Thompson | IG

Bagama’t, ngayon lang opisyal na inamin ni Kit sa publiko ang relasyon nila ni Ana, ay matatandaan naman na minsan nang namataan ng netizens ang pagpapalitan nila ng komento sa kani-kanilang Instagram post. Isa na nga rito ang post ni Ana ng kanyang seksing larawan, kung saan nga ay nagkomento si Kit at tinawag itong “baby” at sweet na tugon naman ni Ana kay Kit ay “love love”.

Tila nga makikita sa dalawa ang magandang samahan, dahil sa kanilang sweet na palitan ng komento sa social media. Isang nakakakilig na love story na naman nga sa showbiz na hatid nina Kit at Ana ang aabangan ng publiko.

Credits: Kit Thompson | IG

Unang nakilala si Kit sa industriya ng showbiz matapos maging housemate sa reality talent show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother Teen Edition 4 noong 2012. Lumikha ng kanyang sariling pangalan ang aktor at nagkaroon ng mangilan-ngilang proyekto. Ngunit, noong 2014 ay nagpasyang lisanin pansamantala ni Kit ang showbiz at nanirahan sa Amerika. Taong 2018 naman siya nang muling masilayan sa telebisyon. Sa kasalukuyan ay napapanood si Kit sa Kapamilya series na La Vida Lena.

Si Ana Jalandoni naman ay bagong salta sa industriya ng showbiz at unti-unti na ring nakikilala ang kanyang pangalan sa larangan ng pagpapaseksi. Matatandaan na nadiskubre si Ana bilang isa sa Cardo’s Angels sa FPJ’s Ang Probinsyano noong 2019. Napanood din siya sa Vivamax movie na Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar noong January 2021. At nitong Oktubre 2021 lamang nga, ay muli siyang napanood sa pelikulang Manipula kung saan nakasama niya ang aktor na si Aljur Abrenica.

error: Content is protected !!