Connect with us

Entertainment

Kiray Celis, Sinurpresa ang Kanyang Kuya na Isang Construction Worker ng Matagal na Nitong Pinapangarap na Motorsiklo

Likas na sa aktres na si Kiray Celis ang pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya. At ang kabutihang ito ng aktres, ay madals makita sa kanyang mga vlog. At makikita naman talaga kung gano kamahal ni Kiray ang kanyang pamilya na kung saan nga ay gagawin niya ang lahat para lamang mapasaya ang mga ito.

Credits: Kiray Celis | YT

At kamakailan lamang nga, ay muling pinatunayan ni Kiray ang kanyang labis na pagmamahal sa kanyang pamilya matapos niyang surpresahin ang kanyang masipag na kuya na isang construction worker ng pinapangarap nitong motorsiklo.

Sa kanyang latest vlog, ay ipinasilip ni Kiray kung paano niyang napasaya ang kanyang Kuya nang surpresahin niya ito. Maliban nga sa vlog na mapapanood sa kanyang Youtube channel, ay ibinahagi rin ni Kiray sa pamamagitan ng isang Instagram post kung gaano siya kaproud sa nakapasipag niyang Kuya na isang construction worker.

“Isa sa pinaka masipag, pinaka pogi, pinaka mabait na Construction worker ang kuya ko!,” buong pagmamalaki ni Kiray sa kanyang Instagram post.

Credits: Kiray Celis | YT

Sa nasabing IG post ni Kiray ay inilakip niya ang larawan kasama ang kanyang Kuya na hindi matatawaran ang kaligayahan matapos matanggap ang handog na surpresa ng kanyang kapatid.

Credits: Kiray Celis | YT

Makikita nga sa mukha ng Kuya ni Kiray ang matamis na ngiti dahil ang pinapangarap na motorsiklo ay nabigyang katuparan na sa tulong ng aktres.

Ayon naman kay Kiray ay matagal nang pangarap ng kanyang Kuya ang magkaroon ng sariling motorsiklo. Kaya naman, noong sumapit ang kaarawan nito ay hindi nagbigay ng anumang regalo si Kiray dahil talagang nag-ipon siya ng pera para makabili ng pangarap na motorsiklo ng kanyang masipag na Kuya.

Mapapanood naman sa vlog ni Kiray na nagtungo muna siya sa isang tindahan ng motor kasama ang asawa ng kanyang kuya para bilhin ang motorsiklo na kanyang magiging surpresa. At nang mabili na nga ang motor ay personal na nagtungo si Kiray sa lugar kung saan nagtatrabahong construction worker ang kanyang Kuya.

Credits: Kiray Celis | YT

Para sa kanyang surpresa ay iniabot ni Kiray sa kanyang Kuya ang susi ng bagong motor nito. At labis nga ang tuwa at pasasalamat ng Kuya ni Kiray sa kanya ng matanggap ang susi ng motor, dahil ang matagal nang pangarap na motor ay nasa kamay na niya.

Samantala, bumuhos naman ang paghanga kay Kiray mula sa mga netizens dahil sa ginawa niyang kabutihan sa kanyang Kuya. Patunay nga nito na talagang mapagmahal sa kanyang pamilya si Kiray.

“sweet naman! Congrats Johanes! Salute Kiray Celis so proud of you”

“napaka buti mam kiray sa buong family mo napaka swerte nila sau palagi ko pinapanood mga ganap mo”

“Sobrang nakaka proud yung hindi mo kinahiya yung trabaho ng kapatid mo kasi, totoo naman yun na marangal yung trabaho niya.”

“Bait mo talaga kiray. Super bless ng family mo sayo.”

 

error: Content is protected !!