Connect with us

Entertainment

Kiray Celis Pinasaya at Pinatawa ang mga Followers ng Ipinasilip niya ang Exclusive House Tour sa Napakagandang Bahay niya daw sa Tagaytay

Goodvibes ang hatid ng aktres at dating Goin’ Bulilit star na si Kiray Celis sa kanyang latest vlog na mapapanood sa kanyang Youtube Channel kung saan ay may pahouse tour siya sa isang napakagandang bahay na matatagpuan sa Tagaytay.

Sa nasabing vlog, ay ipinasilip ni Kiray ang bahay na sadyang napakalaki at may tatlong palapag. Bawat bahagi nga ng bahay, ay ipinasilip ni Kiray magmula sa bawat silid, dining area at living room.

Photo credits: Kiray Celis Vlog | Youtube

Unang ipinakita ng aktres ang silid ng kanyang ama kung saan ito natutulog. Ayon kay Kiray, ay simple lamang ang silid nito dahil gusto lang umano ng kanyang ama na may matulugan. Makikita rin walang appliances at dekorasyon sa nasabing silid.

Photo credits: Kiray Celis Vlog | Youtube

Photo credits: Kiray Celis Vlog | Youtube

Ipinakita rin ni Kiray ang silid ng kanyang kapatid at boyfriend. At dahil nga magkakatulad umano ang silid ng nasabing bahay, ay ang dining area at living room ang sunod na ipinakita ng aktres.

Sa ikatlong palapag naman ng bahagi ng bahay, ay napakaganda ng tanawing masisilayan. Napakaaliwas at napakapresyo rin ng sariwang hangin na hatid ng kalikasan. Sadyang kahanga-hanga ang ganda ng tanawin, dahilan para makapag-enjoy at makapagrelax ang kanilang pamilya.

Photo credits: Kiray Celis Vlog | Youtube

Photo credits: Kiray Celis Vlog | Youtube

Samantala, natuwa naman si Kiray dahil napakaganda umano ng naipundar na bahay ng kanyang pamilya. Proud rin ang aktres sa kanyang mga magulang dahil masinop umano ang mga ito pagdating sa pera kung saan ay inilalagay sa tama ang perang kanyang pinaghirapan mula sa kanyang trabaho bilang isang artista.

Photo credits: Kiray Celis Vlog | Youtube

Masaya namang ibinahagi ni Kiray na natutuwa siya dahil nabigyan niya ng magandang bahay at pamumuhay ang kanyang pamilya dahil sa pagsusumikap niya.

Photo credits: Kiray Celis Vlog | Youtube

Photo credits: Kiray Celis Vlog | Youtube

Photo credits: Kiray Celis Vlog | Youtube

Photo credits: Kiray Celis Vlog | Youtube

Tila nga napakaseryoso ni Kiray sa kanyang pa-house tour na talagang ramdam na ramdam ang di umano’y bahay na kanyang pinaghirapang maipundar para sa kanyang pamilya.

At sa huli nga, habang nagsasalita si Kiray ay bigla na lamang sumingit ang kanyang ama at sinabing check out na nila. Natatawa namang sinabi ni Kiray na prank lamang ang kanyang ginawang house tour dahil hindi nila bahay ang kanilang tinuluyan, kundi nasa bakasyon lamang sila at dito nga tumuloy.

Photo credits: Kiray Celis Vlog | Youtube

Hindi naman talaga masamang mangarap lalo na kung pagsusumikapan itong matupad sa buhay. At gaya ni Kiray na talagang masipag at matiyaga sa buhay, ang kanyang prank na pahouse tour ay magkatotoo rin pagdating ng panahon.

error: Content is protected !!