Connect with us

Inspiring

Kiray Celis, Muling Pinasaya Ang Kanyang Kuya Na Construction Worker Matapos Palitan Ng Mas Magandang Motor Ang Unang Niyang Regalong Motor

Marahil nga ay kilala na ng lahat ang aktres n si Kiray Celis. Magmula nga pagkabata ay pinapasaya na niya ang kanyang mga tagahanga. Noong napapanood pa lamang siya sa children gag show na Goin’ Bulilit, ay marami na ang giliw na giliw at naaaliw sa kanyang pagiging cute at bibong bata.

Photo credits to the owner

Sa mabilis na paglipas ng panahon, ay hindi naman nawala sa industriya ng showbiz si Kiray at hanggang sa kasalukuyan nga ay talagang namamayagpag ang kanyang karera bilang isang mahusay na aktres at komedyante.

Ngunit, maliban sa pagiging isang mahusay na aktres, ay hinahangaan rin ng publiko ang pagiging responsable at mapagmahal ni Kiray sa kanyang pamilya. Ilang ulit nang ipinamalas ni Kiray sa kanyang mga vlog kung gaano niya kamahal ang kanyang pamilya, kung saan nga ay gagawin niya ang lahat para lamang mapasaya ang mga ito.

Photo credits to the owner

Ang bawat biyaya nga na kanyang natatanggap ay ibinabahagi niya sa mga miyembro ng kanyang pamilya. Katulad na lamang nga ng pagsurpresa ni Kiray sa kanyang Mommy noong nagdiwang ito ng kanyang 56th birthday kung saan ang handang lechon ay naglalaman ng P56,000. Noong pagdiriwang naman ng Valentine’s day, ay niregaluhan naman ni Kiray ang kanyang mga magulang ng bouquet na ang laman ay sandamakmak na pera.

Photo credits to the owner

Hindi naman dito natatapos ang pagsurpresa ni Kiray sa kanyang pamilya. Dahil maging ang kanyang kuya na isang construction worker ay nakatanggap rin ng regalo mula sa komedyante. Proud nga na ibinahagi ni Kiray na ang kanyang Kuya ay isang construction worker, at ang bagay na ito ay hindi niya ikinakahiya.

Dahil nga nakikita ni Kiray ang kasipagan at pagsusumikap ng kanyang Kuya para maitaguyod ang pamilya nito, ay naisip niyang bigyan ito ng munting regalo. At ito nga ay isang motor na matagal nang kahilingan ng kanyang Kuya. Mismong si Kiray nga ang nagdala ng bagong motor sa pinagtatrabahuan ng kayang Kuya para surpresahin ito. Labis naman ang pasasalamat ng Kuya ni Kiray sa natanggap na regalo.

Photo credits to the owner

Samantala, nangako naman si Kiray na papalitan niya ng mas magandang motor ang kanyang regalo kapag nakapag-ipon na ulit siya. At ito nga ay binigyang katuparan ni Kiray matapos lamang ang tatlong buwan. Nitong nakaraang buwan ng Disyembre lamang nang ibahagi ni Kiray ang kanyang Christmas gift sa kanyang Kuya. At ito nga ang bagong motor na kapalit ng nauna niyang regalo sa kanyang Kuya.

“Merry merry Christmas sa kuya kong pogi. Sarap talaga ng pasko mo. Ako, EGUL!!! HAHAHAHA”

error: Content is protected !!