Connect with us

Entertainment

Kiray Celis, Muling Binigyan ng Maraming Pera ang Kanyang Ina Bilang Sorpresa Niya sa Kaarawan Nito

Taon-taon ay hindi nga binibigo ni Kiray Celis ang kanyang ina sa kaarawan nito, dahil sa mga sorpresang handog niya rito na labis na nagbibigay kasinyahan rito. At ngayong taon nga sa mulingg pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang ina, ano naman kaya ang birthday gift ni Kiray sa kanyang mahal na ina.

Kilala ng publiko si Kiray Celis bilang isang aktres at komedyante na nagsimula ang karera noon pang siya ay bata pa. Maliban pa nga sa pagiging isang mahusay na komedyante’t aktres ay hinahangaan din si Kiray ng marami dahil sa pagiging isa niyang mabuting anak.

Photo credits: Kiray Celis | IG

Sa latest post ni Kiray sa kanyang Instagram account kamakailan lamang ay ibinahagi nga niya ang muling pagdiriwang ng kanilang pamilya sa kaarawan ng kanyang ina. Isang video nga ang ibinahagi niya sa kanyang IG post, kung saan ay makikita nga ang ilang mga bisita sa kaarawan ng kanyang ina at kung paano niya prinank ang kanyang ina bago ibunyag dito ang kanyang sorpresa.

Photo credits: Kiray Celis | IG

Bago nga tuluyang ini-reveal ni Kiray ang sorpresa niya sa kanyang ina ay isang masayang prank muna ang kanyang ginawa. Pinahatak nga ni Kiray sa kanyang ina ang cake topper na “Happy Birthday” na aakalain ngang may lamang pera doon ngunit paghatak nga ng kanyang ina ay wala naman itong kasama at ito nga ay isa lamang talagang dekorasyon.

Photo credits: Kiray Celis | IG

Inamin naman ni Kiray sa kanyang ina na prank lamang ang kanyang ipinagawa sa kanyang ina at kasunod nito ay sinabi na nga niya na ang dapat hatakin nito ay ang lechon topper sa cake nito na kung saan ng simulan nga nito ang paghatak ay dito na nagsimulang lumabas ang sunod-sunod na tig-iisang libong piso na ayon nga kay Kira yang total na halaga ng mga ito ay Php57,000 dahil ang kanyang ina nga ay ipinagdiriwang ang 57-taon na nitong kaarawan.

Photo credits: Kiray Celis | IG

Caption nga ni Kiray sa kanyang post, “Last year, 56 ka so 56k. Ngayon 57 ka, 57 thousand pesos na. Ma, every year naba to? So paano na ako? HAHAHHAHAHAH! Happy happy birthday mama!”

Sa kabila nga ng natatamong kasikatan ni Kiray ay tunay na kahanga-hanga ang kanyang pagiging isang mabuting anak at hindi nakakalimot na ibahagi sa kanyang pamilya ang lahat ng mga biyayang kanyang natatanggap sa kanyang buhay kaya naman talagang patuloy siyang pinagpapala at patuloy din ang pagbuhos ng biyaya sa kanyang mahal na pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

error: Content is protected !!