Connect with us

Entertainment

Kiray Celis, Masayang-masaya Matapos Regaluhan ng Iphone 13 at Louis Vuitton Footwear Ng Kanyang Boyfriend Na Stephan Estopia

Marami ang napa-sana all sa aktres at komedyanteng si Kiray Celis dahil tila nga napakapalad niyang babae sa piling ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia

Saksi na ang netizens sa nag-uumapaw na kasweetan at pagmamahal ng boyfriend ni Kiray sa kanya na kung saan nga, ay talagang napakamaalaga at sweet. Ilang ulit na ngang pinakilig ni Stephan si Kiray, isa na nga rito ang pagpatattoo nito ng mata ng aktres sa kanyang dibdib.

At kamakailan lamang nga, ay muling agaw atensyon ang magkasintahan sa social media kung saan ay maraming netizens napa-sana all. Ito nga ay dahil nakatanggap ng maagang pamasko si Kiray mula sa kanyang boyfriend, hindi basta-bastang regalo kundi bonggang regalo.

Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ni Kiray ang larawan nilang dalawa ni Stephan kung saan makikita ang close up photo ng Louis Vuitton footwear. Ayon naman sa caption ng post ni Kiray, ang hiling lang niya ay loyal na lalaki ngunit napakapalad niya dahil binigyan pa siya ng mamahaling brand ng cellphone, at mamahaling brand ng footwear. Dagdag pa ng aktres, ay ito na raw ang Christmas gift sa kanya ni Stephan.

“Loyal na lalaki lang hiniling ko. Pero binigyan niyo ko ng lalaking may pa iPhone 13 na may pa LV pa! Huhuhuhu! Christmas gift na daw niya sakin. HAHAHAHAHAHA! I love you.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Hindi naman nga napigilan ng netizens ang mapa-sana all, at talagang humanga kay Stephan sa pagmamahal nito sa kanyang nobyang si Kiray. Karamihan nga sa kanila ay nag-iwan ng komentong puno ng paghanga sa post ni Kiray.

“Wow very supportive sa lahat ng bagay.”

“Mapa sanaol na lang talaga ako.”

Tila nga isang reyna ng kagandahan si Kiray sa haba ng kanyang buhok kung iparamdam ni Stephan ang pagmamahal sa kanya. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ng bonggang regalo si Kiray mula kay Stephan. Matatandaan nga na noong birthday ni Kiray noong nakaraang buwan ng Hulyo ay sinurpresa siya ni Stephan ng maraming bouquet ng bulaklak, balloons at isang Balenciaga footwear.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Matatandaan na noong Pebrero 2018 nang ibunyag ni Kiray sa publiko na natagpuan na niya ang lalaking magbibigay saya at kulay sa kanyang buhay. Na siya nga, ay may boyfriend na matapos ang ilang taong paghihintay na maging maayos ang buhay ng kanyang pamilya.

“It’s about time. I’m too old already. Actually, late bloomer pa nga ‘yun, eh. Hinintay ko rin na maging stable ang family ko, na parang hinintay ko rin na may maipagmamalaki ako sa family ko na hindi ko inuna ‘yung boyfriend kesa sa family ko.”

error: Content is protected !!