Connect with us

Entertainment

Kiray Celis, Labis ang Pagdadalamhati sa Pagpanaw ng Madreng Nagpaaral Sa Kanya Noong Siya’y Bata Pa

Napakasakit naman talagang mawalan ng mahal sa buhay. Bagama’t, alam natin na hiram lang ang ating buhay, ay hindi naman talaga maiwasan ang makaramdam ng lungkot at pighati sa ating mga puso.

Credits: Kiray Celis | IG

Katulad na lamang nga ng Kapuso star na si Kiray Celis na labis ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng isa sa mahal niya sa buhay. At ito nga ang madreng nagpaaral sa kanya noong siya’y bata pa.

Sa Instagram ay idinaan ni Kiray ang kanyang pagluluksa at nadaramang pagdadalamhati sa pagpanaw ng madreng may mahalagang papel sa buhay niya. Ibinahagi ni Kiray sa isang Instagram post ang mga larawan kung saan kasama niya si Sister Marina, kabilang na nga rito ang throwback photos na kuha noong siya’y bata pa.

Credits: Kiray Celis | IG

Sa kanyang post, ay hindi nga maitago ni Kiray ang kanyang lungkot lalo na nga’t ang taong nawala ay mahal na mahal niya.

“Iniwan na naman ako ng taong isa sa mga pinakamamahal ko… Sister Marina ko.. ba’t mo ‘ko iniwan? Sabi ko sa ‘yo ‘di ba bibilhan pa [kita] ng truck. Promise ko ‘yun sa ‘yo di ba? Ang bigat naman ng 2021,”aniya.

Pagbabahagi pa ni Kiray sa kanyang post ay si Sister Marina ang tumulong sa kanyang makapag-aral sa pribadong paaralan dahil ang kanyang mga magulang ay walang kakayahang pag-aralin siya noon sa private school. Nabanggit rin ni Kiray na kasama nitong tumulong sa kanyang makapag-aral ang madreng nagngangalang Sister Theresia na nauna na ring pumanaw.

Credits: Kiray Celis | IG

“Sa mga hindi po nakakaalam, isa po si Sister Marina sa mga nagpaaral sa ‘kin sa St. Paul… Hindi po ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko sa private school nun. Pero tinulungan niyo ako ni Sister Theresia,” paliwanag niya.

Sa huling bahagi ng post ni Kiray ay hindi na nga niya napigilan pa ang kanyang damdamin sa pagkawala ng madreng may mahalagang papel sa buhay niya. Mababakas sa bawat kataga ng nakakaantig na mensahe ni Kiray para sa namayapang madre ang kanyang labis na pagmamahal para rito. Pag-amin pa nga ng aktres, ay tumutulo ang kanyang luha habang tina-type niya ang kanyang mensahe para kay Sister Marina. Hindi rin nakalimutan ni Kiray na pasalamatan ang madre sa kabutihan at pagmamahal na ibinigay nito sa kanya.

 

Credits: Kiray Celis | IG

“At ngayon… magkasama na kayo sa heaven. Alam ko happy na kayo kasi kasama niyo na ‘yung one and only love niyong si Papa Jesus. Mahal na mahal ko kayo Sister. Habang tina-type ko ‘to, iyak pa rin ako nang iyak. Miss na miss ko na mga yakap at halik mo. Durog na durog ako. Wala akong masabi kundi maraming salamat at mahal na mahal kita… Mahal na mahal Sister Marina.”

Credits: Kiray Celis | IG

Unang nakilala si Kiray ng publiko matapos mapabilang sa kiddie gag show na Goin’ Bulilit. Magmula nga sa isang bibo at talentadong bata, ay nagawang umarangkada ng karera ni Kiray bilang isang mahusay na aktres. At ngayong 26 taong gulang na siya, ay hindi maikakaila na talagang pinatunayan niya ang kanyang husay sa pag-arte bilang isang kilalang aktres at komedyante sa industriya ng showbiz.

error: Content is protected !!