Connect with us

Entertainment

King of Talk Boy Abunda, Ipinasyal ang Kanyang mga Tagahanga sa kanyang Napakalawak na Farm na Matatagpuan sa Lipa, Batangas

Si Eugenio Romerica Abunda Jr. sa totoong buhay o mas kilala bilang Boy Abunda sa mundo ng showbiz ay isang TV host, talent manager at celebrity endorser. Kilala rin siya sa tawag na Tito Boy ng mga sikat na artista sa showbiz. At ang kanyang husay pagdating sa pag-hohost ng programa ay talaga namang kahanga-hanga.

Tiyak naman na mapapaamin at mapapasagot ang sinumang makakapanayam ni Tito Boy sa kanyang mga katanungan kapag sumalang sa hot seat ng programa niyang “Tonight With Boy Abunda”.




Mahabang panahon na ring nasa industriya ng showbiz si Tito Boy, kaya naman, hindi nakapagtataka na marami na siyang naipundar na masasabing nagmula sa kanyang sipag at tiyaga. Sa katunayan nga nito, ang isa sa maipagmamalaking bunga ng kanyang pagsusumikap ay ang naipundar niyang farm na matatagpuan sa Lipa, Batangas.

At sa unang pagkakataon, matapos niyang mabili ang farm 21 taon na ang nakakalipas, ay ngayon lamang niya ito masisilayan at ipapakita sa publiko. Sa isang vlog kung saan kasama niya ang kanyang partner na si Bong Quintana, ay masaya nilang nilibot ang farm na talagang mararamdaman at masisilayan ang gandang hatid ng kalikasan.

Makikita nga sa malawak na farm ni Tito Boy ang iba’t ibang klase ng mga pananim tulad ng puno ng kalamansi, bayabas, pinya, rambutan at marami pang iba. Ngunit, maliban sa mga pananim na makikita rito, ay kahanga-hanga rin dahil sa gitna ng malawak niyang farm ay matatagpuan ang isang chapel.

Bago nga tuluyang libotin ang kabuuan ng farm, at nag-alay muna si Tito Boy ng isang panalangin sa loob ng chapel. Naikwento rin ni Tito Boy kung bakit nagpatayo siya ng chapel sa farm. Ito nga ay dahil nagkasakit umano ang kanyang ina na sa Batangas naninirahan at madalas ring dumalaw sa farm.

Samantala, sa pagpapatuloy ng kanilang pamamasyal sa farm ay tila ba nasa tamang timing ang kanilang pagbisita dahil ang mga puno ng prutas ay hitik na hitik sa bunga at handa na ring pitasin. Katulad na lamang ng rambutan na talagang nakaseason ang pamumunga ngayon.




Namitas rin si Tito Boy ng mga bunga ng ilan sa mga pananim na prutas tulad ng pinya, bayabas at rambutan. Maliban naman sa mga puno ng prutas ay may mga tanim ring kamoteng kahoy at puno ng mahogany sa nasabing farm.

Hindi naman maikakaila na nag-enjoy si Tito Boy sa unang pagkakataon ng pagbisita niya sa kanyang farm. Masaya rin si Tito Boy na ang bunga ng kanyang pagsisikap ay literal na namumunga at kanya nang naaani ngayon.

error: Content is protected !!