Connect with us

Entertainment

King of Scents ng Pilipinas na si Joel Cruz, Inamin na Gumastos ng P52 Million Para sa Surrogacy ng kanyang 8 Anak na Filipino-Russian

Si Joel Cruz ay kilala sa Pilipinas bilang Lord of Scents na talagang namamayagpag sa mundo ng pagnenegosyo na nagmamay-ari ng kompanya ng pabango na Aficionado.

Maliban rito ay isang napakalaking papel ang kanyang ginagampanan, ang maging isang mabuti at mapagmahal na ama sa kanyang walong mga anak. Ngunit, hindi naging madali ang mga pinagdaanan ni Joel para lamang makamit at maisakatuparan ang matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sariling anak.

At kamakailan lamang, ay nakakwentuhan ni Ogie Diaz ang tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz kung saan ibinahagi nito ang mga pinagdaanan bago magkaroon ng sariling anak. Sa naturang panayam ay ibinahagi rin nito na gumastos umano siya ng P52 Million para sa matagumpay na proseso ng surrogacy sa isang Russian.

Kwento nga ni Joel kay Ogie, ay matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng sariling anak ngunit hindi niya ito magawa sa pamamagitan ng natural na paraan at ayaw rin niyang mag-ampon ng bata. Kaya naman, nagpasya siyang subukan ang surrogacy.

Photo credits: google.com

Una umano niyang sinubukan ang surrogacy sa Pilipinas dalawang dekada na ang nakakaraan kahit na mahigpit itong ipinagbabawal. Ngunit, sa kasamaang palad ay hindi umaabot ng tatlong linggo ang kapit ng bata sa sinapupunan ng ina nito. At isang dekada makalipas, ay dito na siya nagpasya na subukan ang surrogacy sa Russia kung saan ay legal ito. Dumaan siya sa matinding proseso para lamang pahintulutan siya ng awtoridad ang plano surrogacy.

Kwento pa ni Joel, ay umiyak pa siya sa harap ng abogado ng Russia para lamang payagan siya sa surrogacy at makamit nga ang pangarap na magkaanak. Samantala, pagbabahagi naman ni Joel, isa sa malaking rason kung paano niya nalagpasan ang prosesong pinagdaanan, ay ang kanyang kakayahan na buhayin ang kanyang magiging mga anak.

Photo credits: google.com

“Kung alam talaga na you are sincere, na gustong-gusto mo talaga magka-anak, kaya mong bigyan ng buhay ‘yun, bigyan ng education ‘yun, mabigyan ng magandang buhay ang bata, papayagan ka nila.”

Mapalad naman si Joel, dahil natagpuan niya ang ina ng kanyang mga anak sa katauhan ng napakagandang Russian na si Lilia. Kwento pa nito, ay nalulungkot umano si Lilia kapag oras na para kunin ang mga bata. Maliban kasi sa kanya, ay may mga nauna pang client si Lilia. At talaga namang maayos mag-alaga ng bata ang ina ng kanyang mga anak.

Malaki rin ang pasasalamat ni Joel dahil nagkaroon sila ng maayos na relasyon ni Lilia. Sa katunayan nga nito, ay bibisita sana sa Pilipinas si Lilia ngunit hindi ito natuloy dahil sa pandemya.

Photo credits: google.com

Samantala, diretsahan namang tinanong ni Ogie si Joel kung magkano ang nagastos nito para sa surrogacy ng 8 niyang anak na Russian. At pag-amin nga ng CEO ng Aficionado, ay hindi biro ang kanyang nagastos sa walo niyang anak na ilang milyon rin ang inabot. Ang kabuuang gastos nga ni Joel, lahat lahat na gastos nga ay umabot ng P52 Million.

“Yung unang set ko, kina Prince and Princess, lahat ‘yun ang nagastos ko kasama ‘yung eroplano, hotel and accommodation ko du’n, lahat mga tests, umabot ng mga 12 million pesos.”

“Alam ko du’n sa pangalawa mas less dun. Hindi siya umabot sa 12 naman. Parang 11 million lang siya sa pangalawa.”

Sa pangatlong kambal ay umabot naman ng 11 million at sa kanyang pangpito at pangwalong anak ay gumastos naman siya ng tig-siyam na milyong piso bawat isa.

Photo credits: google.com

Inamin rin ni Joel na personal siyang nag-aabot kay Lilia ng pera, maliban pa rito ang perang bayad umano para sa kanyang mga anak.

“Inaabutan ko din si Liliia. Kumbaga personally, personal money binibigyan ko siya. Siyempre may bayad siya du’n sa firm no?”

Hindi naman nakaligtaan ni Joel na ibahagi sa publiko, na sa kabila ng sitwasyon ng kanilang pamilya ay may ideya na ang kanyang mga anak tungkol rito.

error: Content is protected !!