Connect with us

Entertainment

King of Sample na si Jhong Hilario, Very Hands-On sa Pagiging Daddy sa kanyang Napaka Cute na Anak na si Baby Sarina

Isa sa pinakamasarap na pakiramdam sa buhay ay ang magkaroon ng sariling pamilya at anak. Ito ang nararanasan ngayon ni Sample King Jhong Hilario ng dumating sa kanilang buhay mag-asawa ang kanilang Sample Princess na pinangalanan nilang Sarina.

Matatandaang March 27, 2021, ibinahagi ni Jhong Hilario sa kanyang Instagram account ang larawang ng kanilang baby Sarina na may caption na,

“Hello my LOVE!!! ❤❤❤ #Sarina #SamplePrincess”

Ibinahagi naman sa instgram account ng Girlfriend ni Jhong Hilario na si Maia Leviste Azores ang kanilang mga bonding at sweet moments kasama ang kanilang napaka cute na si baby Sarina na may caption na,

“Cherishing every single second because one day, I know, I will look back at all of these and will miss this time of her life.. Time really goes by sooo fast.. Our clingy Sarina.. I hope you never change ?????”

Makikita na talagang hands on daddy si Jhong Hilario sa kanyang prinsesa na si Sarina.

Sa isang video naman na ibinahagi ni Jhong hilario ang napaka cute na si baby Sarina habang nakapikit at ngumingiti.

Ibinahagi din ni jhong sa kanyang instagram account ang mga larawan ng kanyang aso habang binabantayan nito na natutulog si baby Sarina.

2014 ng unang inanunsyo ni Jhong Hilario ang kanyang relasyon kay Maia na noon ay nagtratrabaho bilang isang cabing crew sa isang local airline company. Ayon sa isang report na ang tawagan ng dalawa ay “Pangs” na ayon sa mga ito ang kahulugan ay nagpapatunay na ang pagmamahalan nilang dalawa ay nakatibay at tatag kahit na may 15 years silang agwat sa edad.

Matatandaan na unang sumikat si Jhong Hilario bilang miyembro ng sikat na dance group noong dekada 90 na Streetboys kasama ang kanyang ka showtime co-host na si Vhong Navarro.

 

 

error: Content is protected !!