Connect with us

Entertainment

Kim Molina at Jerald Napoles Masayang Ipinagdiwang ang Kanilang 7th Anniversary Bilang Magkasintahan sa Pamamagitan ng Isang Sweet Diving Photos

Kakaiba ang naging pagdiriwang ng anibersaryo ng magkasintahang sina Kim Molina at Jerald Napoles. Kung ang ilang couple, ay ipinagdiriwang ang kanilang anibersaryo bilang tanda ng kanilang pagmamahalan, sa pamamagitan ng mga regalo at romantikong dinner date, mas pinili naman ng magkasintahang Kim at Jerald na magkaroon ng isang masayang adventure para sa kanilang anibersaryo.

Credit: Kim Molina | Instagram

Nito lamang araw ng Huwebes, ika-22 ng Hulyo ay inalala ng magkasintahang Kim at Jerald ang tamis ng kanilang pag-iibigan sa loob ng pitong taon sa pamamagitan ng isang masayang bakasyon sa Bohol.

Para sa kanilang 7th anniversary, ay hindi pinalampas ng magkasintahan na mag-enjoy at lasapin ang presensya ng isa’t isa sa napakagandang lugar sa Bohol. Sa Instagram, ay ibinahagi ng dalawa ang mga larawan mula sa ginawa nilang underwater shoot na naging bakasyon nila sa Bohol na talaga namang napakasweet sa kanilang diving photos.

Credit: Kim Molina | Instagram

Sa Instagram ay ibinahagi ni Kim ang larawan na kung saan ay makikitang magkayakap sila ni Jerald habang nasa ilalim ng tubig. Napakagandang pagmasdan ng larawan ng magkasintahan lalo na’t masisilayan rin ang napakagandang tanawin sa ilalim ng karagatan.

Nilakipan naman ng aktres ang kanyang post ng isang caption na kung saan ay mababakas ang labis na pagmamahal sa kanyang nobyo.

“With you next to me, I am no longer afraid. To more oceans to explore and dreams to achieve together! HAPPY 7th ANNIVERSARY, my @iamjnapoles! I love you.”

Samantala, para naman batiin ang kanyang nobya sa kanilang 7th anniversary ay dalawang larawan ang ibinahagi ni Jerald sa kanyang Instagram. Ang bawat larawan, ay binigyan naman ng paliwanag ni Jerald sa caption ng kanyang post. Sa unang larawan ay makikitang naka-floating sa dagat ang magkasintahan at ito’y binigyan ng matalinhagang kahulugan ni Jerald.

“Picture 1: That’s us, in our solitary world without the burden of solitude. Seeking freedom underneath and floating with dreams above. Limitless, but not reckless.”

Credit: Jerald Napoles | Instagram

Sa pangalawang larawan, ay makikita naman ang sweet photo nilang dalawa habang nakahalik sa pisngi ni Kim si Jerald. At nilakipan rin ng caption na puno ng sinseridad at pagmamahal sa aktres.

“Picture 2: That’s us, never a dull moment. Ridiculous but never stupid. We can’t figure out our own selves, but knowing each other makes us realize our worth and where we are heading. We will never be against all odds. We are the odds. I might not bet on myself. but I’m sure I’m winning with you. With us. HAPPY 7th ANNIVERSARY #KimJe Exciting times ahead of us. I love you.”

Credit: Jerald Napoles | Instagram

Matatandaan na sa isang panayam, ay minsang nang ibinahagi ni Kim ang nakakakilig na love story nila ni Jerald na nagsimula nang magkatrabaho sa musical na Rak of Aegis.

“Pero naka-focus kami talaga sa work kasi yung buong ano ng Rak, kumbaga tuloy-tuloy ang dating ng blessings,” she continued. “Kami yung, ‘Focus muna tayo sa ganito, ganyan. ‘Tapos huwag tayong mag-post ng kung ano-ano.’ Siyempre, support kami sa isa’t-isa when it comes to work. Okay, ‘tapos ngayong year, every time po na lalabas kami, halata na.”

“Actually, last year [2018], nagpo-post na kami ng mga bagay-bagay, ng out-of-town, especially me. I’d always post. Sabi namin, ‘Sige na nga, bahala na.”

Credit: Kim Molina | Instagram

Nilinaw naman ni Kim, na limang taon na silang nagdedate ni Jerald ngunit noong 2019 lamang sila naging opisyal na magkasintahan sa mata ng publiko. Ang relasyon ng aktres na si Kim, at aktor na si Jerald ay mas lalong pinagtitibay ng kanilang pagmamahalan, hindi lamang sa tunay na buhay kundi pati na rin sa mga pelikula kung saan ay ilang ulit nang nagkasama. Tulad na lamang ng mga pelikulang WalangForever, Camp Sawi, The Write Moment, at Jowable.

error: Content is protected !!