Connect with us

Entertainment

Kim Chiu Tuwang-Tuwa ng Ipasilip sa Kanyang Vlog ang Cozy Tiny House Experience Niya sa Florida, USA

Patok ngayon ang mga tiny houses, hindi lamang dahil sa magagandang disenyo ng mga ito kundi maging sa pagiging pasok nito sa budget lalo na sa mga taong nagnanais na magkaroon ng pribadong lugar para sa kanilang sarili o maliit na pamilya.

Ang Kapamilya actress na si Kim Chiu, ay isa lamang sa mga nagpatunay kung gaano nagugustuhan ng maraming madlang pipol ang mga istilo at disenyo ng tiny houses, ito ay matapos niyang ibahagi sa kanyang vlog ang unang tiny houses experience niya. Ayon kay Kim ay marami sa mga tagasubaybay niya ang talagang nagustuhan ang pagbabahagi niya ng first experience niya sa tiny house, kaya naman sa pagkakataon na ito ay muli siyang naghanap at bumisita sa isang tiny house at ito ay kanyang ipinasilip ding muli sa kanyang YouTube vlog.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Ayon kay Kim, dahil sa nagustuhan ng mga tagasubaybay niya ang unang tiny house na ibinahagi niya ay muli nga siyang naghanap ng tiny houses na ibibida niyang muli sa kanyang vlog. Sa pagkakataon ngang ito, ay isang tiny houses sa Florida ang kanyang nakita, kaya naman masaya niya itong ipinasilip muli sa kanyang YouTube vlog at ang kanyang excitement ay hindi niya maitago sa muling pagbisita niya sa isa na namang tiny house.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Dahil sa kanyang excitement ay agad ng ipinasilip ng Kapamilya actress ang loob ng tiny house na binisita niya sa Florida, at pagpasok pa lamang nga niya sa loob nito ay agad ng mapapansin ang pagiging cozy ng naturang tiny house. Isang maliit na gray sofa ang agad na sasalubong sa small living area nito, at sa likod nga ng sofa na ito ay isang bintana na agad na matatanaw ang luntiang tanawin sa labas ng naturang tiny house.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Ipinakita din ni Kim ang nagsilbing dining area ng naturang tiny house, kung saan ito ay isang Katam-taman sa haba na floating wood at sa ilalim nga nito ay mayroong upuan.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Kasunod naman nito ay ipinakita din ng aktres ang small kitchen area ng tiny house. Mapapansin naman na sa kabila ng pagiging maliit nito, ay kumpleto naman ito sa mga pangunahing kagamitan sa kusina, tulad na lamang ng gas range, mga kaserolang lutuan, heater, toaster at maging refrigerator. Makikita din na ang mga kagamitang pangluto tulad ng kaserola ay maayos nan aka-organize at naka-display sa isang floating shelves.

Kinabiliban din ni Kim ang pagkakaroon ng maraming saksakan ng naturang tiny house, at ibinida din niya ang pagkakaroon nito ng microwave.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Sinilip din ng aktres ang bathroom area ng naturang tiny house, at talaga namang kamamanghaan ang kagandahan at pagiging moderno nito.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Siyempre hindi naman nakaligtaan ni Kim na ipakita ang master bedroom area ng tiny house na ito, na napaka-cozy din dahil sa modern design nito idagdag pa ang pagkakaroon nito ng high ceiling. Kasunod nito ay umakyat naman siya sa isa pang bedroom ng tiny house, kung saan ito ay isang loft bed.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Super na-amaze naman talaga si Kim sa panibagong tiny house experience niya na ito at talagang nagandahan siya sa pagiging cozy ng naturang tiny house.

‘Super nice diba’, isa sa mga naging reaksyon ng aktres

“Infairness malinis, super ganda, super comfi”, dagdag pa niya.

Pagbabahagi pa ni Kim, kahit nga isang tiny house ito ay talaga namang parang napakalaki nito sa loob. Ayon pa sa aktres, kahit na tiny house ito ay nagkasya nga sila, kung saan ay tatlo silang nag-stay dito. Dahil din sa pagkakaroon ng kumpletong pasilidad ng tiny house ay masasabi na talagang na-enjoy ng aktres at mga kasama niya ang sandalling paninirahan nila dito.

error: Content is protected !!