Connect with us

Entertainment

Kim Chiu, Masayang Ibinahagi sa Kanyang mga Fans ang Kanyang Natanggap na Biyaya Bago Matapos ang Taong 2021

Ang aktres at TV host na si Kim Chiu ay nakilala ng publiko matapos magwagi sa first teen edition ng Pinoy Big Brother. Ito na nga ang naging daan para makamit ni Kim ang tinatamasa niyang tagumpay ngayon. At bilang kilala sa bansag na “Chinita Princess” sa industriya ng showbiz, ay hindi naman niya binigo ang kanyang mga fans na ipakita ang kanyang husay at talento bilang aktres, dancer, at TV host.

Hanggang sa kasalukuyan nga, ay talagang namamayagpag ang karera ni Kim. Kaya naman sa kanyang latest vlog, ay ibinahagi niya kung gaaano siya kablessed sa buong taon ng 2021. At bago nga matapos ang taong 2021, ay isang vlog na puno ng inspirasyon ang hatid ni Kim sa kanyang mga tagahanga.

Sa kanyang latest vlog ay inilahad ng Kapamilya actress ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay. Kabilang na nga rito ang kanyang pagsubok na pinagdaanan at mga biyayang kanyang natanggap.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Kwento ni Kim, kung gaano siya nalugmok noong 2020, ay hindi naman niya inaasahan ang pagbuhos ng biyaya sa kanyang buhay pagdating ng taong 2021. Maliban nga sa pagiging ambassador ng mga kilalang kompanya at naging host rin siya ng noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.

Ibinahagi rin ni Kim ang mga pagsubok na kanyang pinagdaanan sa taong 2021. Kabilang na mga rito ang pag-positive niya sa nakakahawang sakit na COVID-19. Sa kabila nga ng hirap na pinagdaanan ni Kim habang nilalabanan ang sakit, ay matinding dasal ang kanyang ginawa. Hindi rin siya pinabayaan ng kanyang mga mahal sa buhay sa pag-aalaga para gumaling agad. Kaya naman nang mag-negatibo na ay labis ang kanyang pasasalamat.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Naging emosyunal naman si Kim nang ibahagi niya ang kanyang learnings para sa taong 2021. Ayon nga sa aktres, ay hindi dapat matakot sa mga kinakatakutan. At tulad niya na maraming kinakatakutan ay pinapalakas niya ang kanyang loob para matapan na harapin ang mga ito. Binigyang diin pa ng aktres na walang ibang magtatanggol sa kanya, kundi ang kanyang sarili kung kaya’y kailangan niyang maging matapang para lumaban. Kwento pa ni Kim ay palagi siyang nagdarasal para malampasan ang anumang pagsubok na darating sa buhay niya.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Sa huling bahagi naman ng vlog ay ipinakita naman ni Kim ang isang napakagandang biyaya na kanyang natanggap bago matapos ang taong 2021. Ayon sa aktres, ang nasabing property ay matagal na niyang pangarap na magkaroon. At ito nga ay nabili ng aktres bago matapos ang taong 2021.

“Lastly, nakatanggap ako ng blessing bago matapos ang 2021. Pangarap ko talagang magkaroon ng ganito. With a little bit of hard work and patience, and a little bit of dream,” saad ni Kim.

Marami namang netizens ang humanga kay Kim sa panibagong biyaya na kanyang natanggap dahil sa kanyang pagsusumikap.

“Well deserve Kimmy! Napakahardworking mo rin naman ano.”

“Well deserve to have all those precious things you received this 2021.”

“Thanks kim for your year-ender vlog were so happy to have you as our idol and for updating your life to us.”

error: Content is protected !!