Damang-dama na nga natin ang diwa ng pasko. Ang malamig na simoy ng hangin, makukulay na dekorasyon at ang mga awiting pamasko na naghahatid sa atin ng saya at kakaibang pakiramdam. Tila nga punong-puno ng saya at pagmamahal ang nalalapit na pagdiriwang ng pasko ngayong taon. Bagamat, kabila’t kanan ang problemang nararanasan ng bawat isa, nangingibabaw pa rin ang paskong Pinoy sa puso ng bawat Pilipino.
Ilang linggo na lang nga ay muli na naman nating mararanasan ang napakasayang pagdiriwang ng paskong Pinoy sa ating mga tahanan. Kaya naman, ang Kapamilya aktres na si Kim Chiu, ay naghahanda na rin sa pagsapit ng pasko. Sa latest vlog ng tinaguriang Chinita Princess, nito lamang Nobyembre 28, ay masaya niyang ibinahagi ang paglalagay niya ng dekorasyon sa kanyang 12ft Christmas tree sa loob ng kanilang tahanan.
At dahil nga sa pandemya, kung saan ay hindi makalabas ng bahay, dala na rin ng pag-iingat ni Kim, ay mas minabuti niyang huwag nang bumili pa ng mga bagong dekorasyon para sa Christmas tree. Sa halip nga ay nirecycle niya at ginamit ang mga dekorasyong kanyang ginamit noong nakaraang taon.
Photo credits: Kim Chiu | Youtube
“It is a bit different this year dahil syempre pandemic so hindi muna ako bumili ng mga Christmas decors and i-recycle ko na lang ‘yung mga Christmas decors ko through the years and pagtatagpi-tagpiin ko sila and pagsasama-samahin ko sila.”
Photo credits: Kim Chiu | Youtube
At para nga sa pagdiriwang ng kapaskuhan ngayong taon, ang napiling motif ni Kim para sa dekorasyon ng Christmas tree ay kombinasyon ng red, white at silver. Ayon sa Chinita Princess, ang kulay pula ay sumisimbolo ng kaligayahan. Samantalang ang puti at silver umano ay sumisimbolo ng pag-asa at kadalisayan.
Photo credits: Kim Chiu | Youtube
“Kasi red represents happiness dahil kahit anuman ang nangyayari sa’tin ngayon, it is really important to be happy and kahit na may pinagdadaanan tayo, kailangan natin itayo ‘yung Christmas tree ‘coz it’s a sign of hope and happiness. And may mga pamangkin din ako so syempre, hindi natin pwedeng ipagkait sa kanila ang Christmas spirit because let’s all be thankful that we’re all healthy, safe and let’s celebrate Christmas kahit na may COVID, limitations, and lahat. We have to celebrate kahit papano.”
Photo credits: Kim Chiu | Youtube
Unang inilagay ni Kim sa napakataas na Christmas tree ang mga Christmas lights. Sumunod naman ang star na inilagay tuktok na bahagi ng Christmas tree. Sumunod naman ang mga dekorasyon na kulay silver. Huli namang inilagay ang mga kulay pulang dekorasyon na sumisimbolo ng kasiyahan.
Photo credits: Kim Chiu | Youtube
Nang matapos na ang paglalagay ng mga dekorasyon, ay makikita na napakaganda ng kinalabasan nito. At bilang tradisyon ay tinawag ni Kim ang kanyang pamilya upang sama-samang sindihan at saksihan ang ganda na hatid ng Christmas tree.
Photo credits: Kim Chiu | Youtube
Photo credits: Kim Chiu | Youtube
Kasabay rin ng pagpapailaw ng Christmas tree sa loob ng kanilang tahanan, ay ang pagdiriwang ni Kim matapos magkamit ng 2 Million subscribers ang kanyang YouTube Channel. Kung saan ay masayang binati ang aktres ng kanyang pamilya.