Connect with us

Entertainment

Kim Chiu, Ipinasilip ang Napakasayang Bakasyon sa Napakagandang Isla ng Coron Palawan Kasama ang Nobyong si Xian Lim

Noong nagdaang Valentine’s day ay talaga nga namang hindi magkamayaw ang mga celebrity couple sa showbiz, kung paano nilang papasayahin ang kanilang mga kapareha.




Ang ilan nga, ay nag-uumapaw sa kasweetan dahil sa mga matatamis na chocolates at makukulay na bulaklak na handog para sa kanilang minamahal. Kakaiba naman ang naging pagdiriwang ng Valentine’s day ng celebrity couple na sima Kim Chiu at Xian Lim. Dahil sa halip na romantic dinner na may kasamang bulaklak at chocolates, ay isang masayang adventure sa Coron, Palawan ang naging surpresa ni Xian kay Kim.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Sa vlog ng Chinita Princess, ipinasilip niya ang masayang kaganapan sa adventure nila sa Coron, Palawan na surpresa sa kanya ng aktor noong Valentine’s day. Kasama rin ng magkasintahan sa kanilang bakasyon sa napakagandang isla ng Palawan ang special girls sa buhay ni Xian, ang kanyang Mommy Mary Anne, Lola Leonida, Kris at Anna.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Nagsimula ang surpresa ni Xian sa pagsakay nila sa isang private plane, kung saan ay hindi kaagad sinabi ng aktor kung saan sila patungo. Kaya naman, nang makarating sa destinasyon, ay talagang natuwa si Kim sa ganda ng tanawing kanyang nasilayan.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Busog na busog nga ang mga mata ng magkasintahan sa ganda ng tanawing kanilang makikita sa Coron, Palawan. Makikita naman na talagang enjoy na enjoy ang celebrity couple sa iba’t ibang aktibidad na kanilang ginawa. Ilan nga sa mga ito ay ang pag-iisland hopping sa naggagandahang isla, at nag-free diving rin sila sa iba’t ibang lagoon na kanilang napuntahan.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube




Photo credits: Kim Chiu | Youtube

At dahil nga, Araw ng mga Puso rin naganap ang kanilang bakasyon, ay talagang pinakilig ng real life couple ang kanilang mga tagahanga na kilala sa tawag na “KimXi”. Makikita sa video ang nag-uumapaw sa tamis na kasweetan ng magkasintahan sa isa’t isa.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Ang masayang adventure na ito nina Kim at Xian sa Araw ng mga Puso, ay muling naghatid sa kanilang mga tagahanga ng saya at kilig na kung saan ay hinangaan ang kanilang pagiging lovely couple sa showbiz na masisilayan ang saya at tunay na pagmamahal sa kanilang relasyon.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Photo credits: Kim Chiu | Youtube




Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Isa na namang masayang alaala ang nabuo nina Kim at Xian, na mas lalong nagpatatag ng kanilang samahan, at pagmamahal sa isa’t isa. Marami naman ang humanga sa pagiging sweet ni Xian, matapos surpresahin ang mga espesyal na babae sa kanyang buhay.

error: Content is protected !!