Connect with us

Entertainment

Kim Chiu, Ipinasilip ang Masayang Bakasyon Sa Napakagandang Isla ng Balesin Kasama ang Nobyong si Xian Lim

Summer na summer na nga talaga ngayon sa bansa. Ang mga sikat na celebrities nga sa showbiz, ay talagamg sinusulit ang panahon ng summer upang magbakasyon sa magagandang lugar, mag-enjoy at mag-relax.




Katulad na lamang nga ng celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim na hindi maawat sa kanilang bakasyon sa mga kilala at ipinagmamalaking tourist destination sa bansa. Matapos nga ang masayang bakasyon sa Coron, Palawan ay dumiretso pa ang real life couple sa kanilang bakasyon sa napakagandang isla ng Balesin.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

At nito lamang ika-14 ng Marso, araw ng Linggo, ay talagang inabangan ng mga tagahanga ng magkasintahan na kilala sa tawag na “KimXi”, ang vlog ni Kim sa kanyang Youtube channel na naglalaman ng kanilang masayang bakasyon sa isla ng Balesin.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Wala ring pinalampas na sandali si Kim sa kanilang masayang bakasyon sa Balesin upang maibahagi sa kanilang mga tagahanga. Mula sa pagsakay sa private plane hanggang sa paglapag ng eroplano sa kanilang destinasyon ay ipinasilip ng aktres.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Makikita nga na bukod sa napakagandang tanawin na hatid ng isla ng Balesin, ay nag-enjoy rin ang magkasintahan sa mga pinuntahan nilang lugar sa Balesin kung saan, ay sinubukan nila ang iba’t ibang activities.

Sa unang bahagi ng video, mapapanood ang paglilibot ng celebrity couple sa isla, at ang una nilang binisita ay ang mga alagang hayop na matatagpuam rito tulad na lamang nga ng pagong, ibon, at marami pang iba. Makikita rin ang kulitan nina Kim at Xian habang nakikipaglaro sa mga hayop.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Sumunod naman, ay ipinasilip ni Kim ang napakagandang beach, kung saan ay makikita na nagpatangay pa ang aktres sa malakas na alon ng dagat. Ito nga ang beach na tinatawag na “Costa Del Sol Village”, na ayon kay Kim ang tubig rito ay nagmumula sa Pacific Ocean. Nag-enjoy naman sa paliligo sa dagat at sa pool ang magkasintahan, na talaga namang napakasweet sa isa’t isa.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Makapigil hininga naman sa ganda ang tanawin na nasilayan nila sa Bali Village. Ito nga ang view na hatid ng sunset na talagang hinabol nila ang paglubog ng araw para lamang makita ang kahanga-hangang ganda nito.




Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Kinagabihan naman ay dumalo sila sa isang birthday party na kanilang naenjoy. Nakakatakam ang mga nakahain na pagkain, kaya’t cheat day ito para kay Kim at Xian upang kumain ng marami. Kinabukasan naman, ay nagtungo sila sa Aegle Wellness Center kung saan ay nagyoga ang magkasintahan.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Sinubukan rin ng celebrity couple ang archery, na talaga namang napaka-challenging para kay Kim. Kung si Xian nga, ay agad nasapul ang tinatamaang target, si Kim naman ay nakailang subok bago matamaan ang target.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Sa Tuscana Village naman kung saan Italian ang mga sineserve na mga pagkain, ay dito sila nagkaroon ng masaganang pananghalian. Sa Phuket Village naman, ipinasilip ni Kim ang ganda ng Phuket sandbar.

Sa Aegle Wellness Center, ay sinulit ng celebrity couple na subukan ang lahat ng serbisyo na inaalok nito sa mga turista. Ang St. Trupez naman ang huling destinayon nina Kim bago sila umuwi. Dito nga nila nilasap ang masasarap na pagkaing hatid nito.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube




Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Muli ay nakapagpasaya na naman ang KimXi sa kanilang mga tagahanga dahil sa kanilang masayang bakasyon. At ang kanilang napakasayang adventure, ay naghatid naman ng kilig sa mga netizens.

error: Content is protected !!