Connect with us

Entertainment

Kim Chiu, Ipinasilip Ang Kanyang Napakagandang All-White Christmas Tree Na Tinawag Niyang “Tree of Hope”

Nasa tradisyon na ng mga Pinoy ang magkaroon ng Christmas tree sa loob ng tahanan. At bawat taon nga, ay hindi ito nawawala kung saan ay talagang pinaghahandaan ang nalalapit na pagdating ng kapaskuhan.

At sa nalalapit na pagdating ng kapaskuhan ngayong taon, ay abala na ang mga sikat na celebrities sa showbiz sa paggawa ng kanilang Christmas tree na may iba’t ibang tema sa loob ng kanilang tahanan.

Kaya naman, ang aktres at It’s Showtime host na si Kim Chiu ay hindi nagpahuli sa pagkakaroon ng Christmas tree sa kanilang tahanan. At sa kanyang latest vlog nga, ay ibinida ni Kim ang paglalagay ng dekorasyon sa kanyang Christmas tree.

Ayon naman kay Kim, ay inienjoy niya ang paglalagay ng dekorasyon sa Christmas tree dahil ang bagay na ito, ay hindi niya naranasan noong bata pa siya.

“Ako lang talaga nag-dedesign ng aking Christmas tree kasi kung ano ‘yung wala ka nung bata ka pa, ‘pag laki mo, ‘yun ang pinapangarap mo na magkaroon.”

Pagbabahagi naman ng aktres, kahit na abala siya sa maraming bagay ay gumagawa siya ng paraan para makapaglaan ng oras sa paggawa at pagdidisenyo ng Christmas tree sa loob ng kanilang tahanan.

“So, ‘yun talaga ang naging driving force ko — na magkaroon ng sariling Chritstmas tree sa aking bahay. No matter how busy I am, kailangang magkaroon akong time to make or design it.”

Para ngayong taon ay nagpasya ang aktres na magkaroon ng all-white Christmas tree na binuo ng mga white ornaments na makikita sa loob ng kanilang bahay. At matapos magawa ng aktres ang Christmas tree, ay masisilayan na napakaganda ng kanyang 12-foot Christmas tree.

Ibinahagi rin ni Kim ang dahilan kung bakit napili niya ang all-white Christmas tree bilang tema ngayong taon. Ayon nga sa aktres, ay namimiss na niyang mag-travel at makakita ng white Christmas, kung kaya’t dinala niya nalang ito sa loob ng kanilang tahanan sa pamamagitan ng kanyang all-white Christmas tree.

“Nami-miss ko lang talaga mag-travel and [makakita] ng white Christmas. So, I’ll be bringing it sa aking Christmas tree.”

Ngunit, maliban dito ay may espesyal na kahulugan rin para kay Kim ang kanyang all-white Christmas tree para ngayong taon. At ito nga ay ang pagbibigay ng pag-asa sa karamihan. At ang Christmas tree na binigyan ng all-white design ng aktres ay tinawag niyang “Tree of Hope”. Ayon nga sa aktres, ay huwag mawalan ng pag-asa sa buhay dahil anuman ang hirap na nararanasan ngayon, tiyak na maaayos rin ito balang-araw.

“White is the color of hope. There is always hope in our pockets. So lagi lang nating bubunutin sa bulsa natin ‘yung pag-asa dahil sabi nga, never lose hope.”

“It may not be a good day today, but tomorrow or next week or next month will be a better day dahil bilog nga ang mundo. If you’re down, there’s no way to go but up. Just lift it all up to him.”

error: Content is protected !!