Connect with us

Entertainment

Kim Chiu Ipinasilip ang Kanyang Masaya at Puno ng Exciting na Tour sa “Happiest Place on Earth” Disney World Adventure sa Orlando, Florida

Dream come true para sa Kapamilya actress at It’s Showtime host na si Kim Chiu ang makarating sa Disney World o ang tinaguriang ‘Happiest Place on Earth’ na matatagpuan sa Orlando, Florida. Kamakailan lamang ng mag-US tour si Kim, kaya naman hindi niya pinalampas ang pagkakataon na mapasyalan ang mga lugar na matagal na niyang pinapangarap na mapuntahan, isa na nga sa mga ito ang Disney World.

“And I’m so happy to share my Disney World experience with you, guys.”, saad ni Kim sa unang bahagi ng kanyang vlog.

Ayon pa kay Kim sa kabila ng pagod, jetlag at paiba-ibang panahon dahil sa mainit at biglang umuulan, ay talagang na-achieve pa rin niya ang makapag-vlog, dahil sa nais niyang ma-enjoy at maipasilip sa mga tagasuporta niya ang naging napakaya niyang adventures na ito.

Dagdag pa ni Kim, “Yes! Sa kabila ng lahat ng pagod, jet lag ,init at biglang pag-ulan, na-achieve ko pa rin makapag-vlog because I really want you to enjoy and feel the #KIMadvenCHIUres.”

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Sa naging pag-iikot ni Kim sa Disney World sa Orlando, Florida ay sinubukan din niya ang iba’t ibang mga rides, kagaya na lamang ng space mountain na ayon sa aktres ay talaga namang hindi niya ine-expect na napakabilis ng rides na ito. Nag-enjoy din siya sa panonood ng mga nagagandahang floats, katulad na lamang ng napakalaing float ng dragon at parang malaking whale.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Hindi rin pinalampas ng aktres ang makasalamuha ng Disney Princess, kaya naman kahit na mahaba ang pila ay pumila sila, at kitang-kita ang kasiyahan ni Kim ng makita niya ang napakagandang Disney Princess na si Cinderella.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Pagkatapos na ma-meet ni Kim ang ilang Disney Princess, ay nagtungo naman siya at kanyang mga kasama sa sinasabing ‘castle’ ni beast sa ‘Beauty and the Beast’, at ayon pa sa kanya ay naroroon sila sa mismong silid kung saan makikita ang ‘enchanted rose’.

Isa pa sa talagang na-enjoy ni Kim ay ang makita ang napakagandang fireworks display sa may castle ng Disney World pagdating ng gabi. Kahit sino naman talaga ay mamangha, lalo na’t napakagaganda at makulay ng mga fireworks.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Sa sobrang saya at galak ni Kim dahil sa natupad na pangarap niyang ito, habang pinapanood nga niya ang napakagandang fireworks display ay tila maluha-luha pa siya habang sumisigaw ng ‘wow’.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Samantala, maliban sa Disney World ay namasyal din si Kim sa Disney Animal Kingdom sa nasabing bansa, kung saan ay dito ay nasubukan niyang sumakay sa isang ride na mala-roller coaster ang bilis. Pinasok din ni Kim ang ‘Star Tours’ sa Disney World at siyempre hindi din naman nawala sa pamamasyal niyang ito sa Orlando, Florida ang masasarap na pagkain at snacks.

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Photo credits: Kim Chiu | Youtube

Kitang-kita naman kay Kim na super ine-enjoy niya ang experience niya sa Disney World, at mapapa-sana all talaga ang marami sa atin lalo na sa mga nangangarap na marating ang ‘happiest place’ na ito.

error: Content is protected !!