Connect with us

Entertainment

Kim Chiu Ipinasalip ang Kanyang Napakasayang Disney World Experience sa Florida, USA

Sa kasalukuyan ay nasa USA ang Kapamilya actress na si Kim Chiu, ito ay dahil kabilang siya sa mga magpe-perform sa mgaganap na Beyond the Stars: Star Magic US Tour sa darating na ika-6 ng Agosto ng kasalukuyang taon.

Habang hinihintay naman ang naturang araw, ay minabuti ng Kapamilya actress na sulitin ang mga oras na wala siyang pinagkakabalahan, at isa sa mga naisipan niyang gawin ay ang magtungo at mamasyal sa Disney World sa Florida.

Photo credits: Kim Chiu | IG

Marami naman talaga ang nangangarap sa atin na makarating sa Disney World ng naturang bansa, at isa na rito si Kim kaya naman talagang ngayong mayroon siyang pagkakataon ay agad niya itong sinunggaban at ine-enjoy ang sandaling panahon niya rito.

Hindi nga pinalampas ni Kim ang pagkakataon na ito upang mag-enjoy sa Disney World, kung saan iba’t ibang mga rides ang kanyang sinubukan na talaga namang labis niyang ine-enjoy. Ibiahagi rin ng aktres, kung paano siya namangha ng kanyang masaksihan ang magical fireworks display ng nasabing amusement park.

Photo credits: Kim Chiu | IG

Pagbabahagi pa ni Kim, ang napakasaya at napakagandang karanasan niya na ito ay hindi niya malilimutan, lalo na’t tunay na napaka-magical ng kanyang naramdaman habang pinapanood ang napakagandang fireworks.

“It was a magical feeling watching the fireworks display.✨ Aside from the fireworks, it’s really how they give the message that will touch your heart and make you realize things. That was an experience I will never forget. Ang saya!!!❤️ truly a magical feeling,” saad ni Kim sa unang bahagi ng kanyang IG post.

Photo credits: Kim Chiu | IG

Maliban pa sa nasaksihan na napakagandang fireworks display ng 32-taong gulang na actress-entertainer-host, ay nagkaroon din siya ng pagkakataon na masilayan at makadaupang-palad ang ilang mga Disney princesses. Nakapagpa-picture din si Kim sa mga ito, at ang mga nagagandahan na larawan ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Samantala, ayon kay Kim noong umaga ay talagang napaka-init ng panahon sa Florida, ngunit pagsapit ng gabi ay bumuhos naman ang malakas na ulan, kaya naman kinailangan niyang mag-improvise at maging witty sa pagko-cover ng suot niyang sapatos.

“DISNEYLAND FASHION WEEK!!! Category is BAGYO CHRONICLES! make use of what you have,” saad pa ng Kapamilya actress sa kanyang IG post.

Si Kim Chiu ay isa sa mga Kapamilya actress na kabilang sa magpe-perform mgaganap na Beyond the Stars: Star Magic US Tour, kung saan ay kasama din niya ang ilan pang mga Star Magic Artist, tulad na lamang nina Maris Racal, Charlie Dizon, Carlo Aquino, Donny Pangilinan, Belle Mariano at marami pang iba.

Ayon sa ulat ang mga Star Magic Artist na nabanggit ay nakatakdang mag-perform sa New York, San Francisco sa Los Angeles sa darating na ika-6 ng Agosto.

error: Content is protected !!