Connect with us

Entertainment

Kim Chiu, Bela Padilla at Angelica Panganiban, Masayang Ipinagdiwang sa Subic ang Kanilang “3rd Anniversary of Friendship”

Tunay at tapat na kaibigan, isang tao na napakahirap matagpuan sa mundong ating ginagalawan. Sabi nga nila, ang tunay na kaibigan ay maihahanlintulad sa isang kayamanan, kayamanan na hindi matutumbasan ng anumang halaga kung kaya’t dapat itong ingatan. Kaya naman, napakapalad ng mga taong natagpuan na ang kanilang tunay na kaibigan na magiging kaagapay nila anumang oras.

Katulad na lamang ng magkakaibigang sina Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu na talagang pinapahalagahan at iniingatan ang kanilang pagkakaibigan. At kamakailan nga, ay ipinagdiwang ng magkakaibigan ang 3rd anniversary ng kanilang matatag at matibay na samahan ng pagkakaibigan. Tinawag naman ng trio ang kanilang grupo bilang “AngBeKi”, na ayon kay Kim ay pinagsama-samang pangalan nilang magkakaibigan.




Sa latest vlog ni Kim, ibinahagi niya ang pagdiriwang ng kanilang 3rd friendship anniversary kung saan nagkaroon sila ng first out of town adventure at nagtungo sa Subic, Zambales upang magkaroon ng masayang bakasyon.

Bago nga tuluyang lisanin ang Metro Manila, ay ibinahagi muna ni Kim kung gaano siya ka-excited na makasama at makabonding ang kanyang mga kaibigan matapos ang pinagdaanang quarantine na umabot ng mahigit anim na buwan. Sobrang saya nga ni Kim, dahil sa wakas ay makakapag-out of town na silang magkakaibigan.

“This is super exciting and looking forward kung ano yung magiging first outing namin in this quarantine season.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu ? (@chinitaprincess) on

Sa pagsisimula ng kanilang masayang adventure, ay hindi parin nawawala ang kanilang nakagawian sa nakalipas na dalawang taon. Sinimulan nga ng magkakaibigan ang kanilang bakasyon sa pamamagitan ng pag-gate crash sa isang birthday party na kung saan ay naging matagumpay naman. Ang nasabing birthday party ay nataon naman na dinaluhan rin ng batikang aktres na si Cherry Pie Picache.




Unang araw pa lang nga ay talagang nag-eenjoy na ang trio sa kanilang ginagawa. Sa pagsapit naman ng hapon, ay nagbabad at inenjoy naman nila ang kanilang sarili sa paliligo sa infinity pool. Pagsapit ng dinner naman ay isang masaganang hapunan ang kanilang pinagsaluhan kung saan nagkaroon sila ng grilled steaks. Naging bonding moments rin ng trio ang pagtutulungan sa paghuhugas ng kanilang pinagkainan.

Matapos naman ng masaganang hapunan ay masaya naman silang naglaro ng baraha kung saan ay masayang-masaya sina Angge at Bela dahil palagi silang nananalo kay Kim. Samantala, nang sumunod na araw naman, ay ang aktres na si Angelica naman ang nakatoka sa kanilang agahan. Isang masarap na almusal sa hapag ang inihanda ni Angge kung saan ay nagluto siya ng tuna omelets, corned beef, at friend rice.

Matapos mabusog ay nagpasya silang magswimming kaya naman, nagtungo sila sa karatig na isla gamit ang isang bangka na minamaneho naman ni Angge. Talaga namang makikita na enjoy na enjoy ang bawat isa sa kanila lalo na’t ito ang unang pagkakataon na nagkasama sila sa out of town.

Samantala, bago mabuo ang “AngBeKi”, ay una munang nagkakilala sina Kim at Bela sa pamamagitan ng mutual friend. Sumunod naman nilang nakilala at nakasama si Angelica matapos dumalo sa isang party. Dito na nga nagsimula ang kanilang pagkakaibigan, na kung saan ay walang humpay ang kanilang pag-uusap na umabot pa ng madaling araw. Nagsimula naman ang kanilang madalas na pagbobonding noong 2018, na talaga namang enjoy na enjoy na kasama ang bawat isa.

Tunay nga ang samahan ng magkakaibigan ay masasabi na matatag at matibay na sa paglipas ng panahon. Isang pagkakaibigan na dapat ingatan at pangalagaan ng mahabang panahon.

error: Content is protected !!