Kilalanin si Yuki Sonoda, ang Beauty and Brain na Itinanghal Bilang Miss Universe Japan 2020 2nd Runner-Up Na May Lahing Pinoy

Tunay nga na kahit saan mang dako ng mundo mapadpad ang mga Pinoy, ay mangingibabaw pa rin ang talento at kakayahan nating mga Pinoy na talaga namang dapat ipagmalaki sa buong mundo.




Agaw atensyon nga ngayon sa social media at pinagkakaguluhan ng mga Pinoy netizens ang napakagandang si Yuki Sonoda. Siya kasi ay isang beauty queen na may lahing Pinoy na lumilikha ng pangalan sa mundo ng pageantry sa bansang Japan.

Si Yuki Sonoda ay isang Filipina-Japanese na may kahanga-hangang kagandahan. At kamakailan nga, ay hindi lamang bansang Japan ang binigyan niya ng karangalan kundi pati narin ang kanyang pagiging Pilipino. Ito nga ay matapos niyang magwagi bilang Miss Universe Japan 2020 2nd Runner-up.

Maraming netizens ang humanga kay Yuki sa kanyang angking kagandahan ngunit ang higit na pumukaw sa interes ng mga netizens ay ang kanyang pagiging Pinoy.

Ang ina ni Yuki ay isang Filipina, samantalang ang ama naman isang Japanese na nagmula sa Kagoshima. Labis naman ang paghanga ni Yuki sa kanyang ina, at ang turing niya nga rito ay “favorite woman in the whole wide universe.” Hindi rin magpapahuli si Yuki sa ating sariling wika, dahil bukod sa wikang English at Nihonggo, ay napakahusay ring magsalita ni Yuki ng wikang Filipino.

Tunay namang taglay ni Yuki ang beauty and brain dahil sadyang napakaganda nitong beauty queen at isa ring law graduate sa Rikkyo University.

Samantala, ang paglahok ni Yuki sa Miss Universe Japan ay hindi ang unang pagkakataong sumali siya sa mga beauty pageant. Katunayan nga nito, ay taong 2015 pa lang ay nagsimula na siyang sumali sa mga beauty pageant. Una nga ay naging kalahok siya ng Miss World Japan 2015. At nang sumunod na taon ay sumali naman sa Miss Supranational Japan 2016 kung saan ay nagwaging first runner-up dahil sa kanyang ipinamalas na kagandahan na sinamahan pa ng kanyang husay at galing.




Ngunit, hindi pa dito natatapos ang journey ng beauty queen, dahil noong 2017 naman ay sumali siya sa Miss Asia Pacific Japan 2017, at matagumpay na naiuwi ang korona. Siya ang naging representative ng bansang Japan sa Miss Asia Pacific International 2017, ang kauna-unahan niyang international stint kung saan ay napabilang siya sa Top 10.’

Pag-amin naman ni Yuki, may plano umano niyang sumali sa Bb. Pilipinas, ngunit ang kanyang citizenship ay malaking isyu sapagkat ipinagbabawal ng BPCI ang maging kalahok ang hindi Filipino citizen at tanging Philippine passport holder at Filipino citizenship lamang ang pinapayagang sumali sa pageant. At dahil nga, mahigit 20 taong gulang na siya, ay tanging isang citizenship lamang ang kanyang maaaring gamitin sa ilalim ng Japanese law.

Samantala, nang sumali naman sa Miss Universe ay may napakagandang adbokasiya si Yuki na naglalayon na pagtuunan ng pansin ang kalusugan.

“I’d like to use my platform as Miss Universe to tell everyone in the world how important it is to be healthy and use my language skills to be the voice of the people.”