Kilalanin: Tatlong Artista na nag Career Shifts Matapos Ma-deny ang Franchise Renewal ng Abs-Cbn

Mainit ngang usapan ngayon sa social media at laman rin ng balita ang pagsasara ng ABS-CBN o Kapamilya Network. Ito nga ay matapos magdesisyon ang committee of the House of Representatives na huwag aprobahan ang franchise renewal dahil umano sa mga paglabag ng Network. Dahil nga, hindi nakalusot sa Kongreso at hindi nagtagumpay marenew ang prangkisa, marami sa mga empleyado ng Network ang naapektuhan at nawalan ng trabaho. Kabilang na nga rito ang mga artista, producers at mga regular na empleyado ng kompanya.

Ang ABS-CBN Network ang isa sa mga kompanyang nangunguna pagdating sa entertainment industry sa bansa. At maraming manonood ang napapasaya at nabibigyang kaligayahan dahil sa mga magagandang palabas nito, kaya naman, marami ang nalungkot sa hindi inaasahang pagsasara ng Network.



Kasabay nga ng pagsasara ng Network ay ang nararanasang krisis sa bansa, ngunit hindi naman ito naging hadlang upang maghanap ng alternatibong pagkakakitaan. Kaya naman, ang ilan sa mga empleyado ng Network, bagama’t nagsara na ang kanilang pinapasukang kompanya ay hindi naman nawalan ng pag-asa upang bumangon at maghanap ng ibang trabaho.

Ang ilang artista nga ay nag-shift career na matapos magsara ang Kapamilya Network upang may pagkaabalan at may pagkakakitaan pa rin matapos mawalan ng trabaho.

Kabilang na nga rito sina Vice Ganda, Pokwang at Jessy Mendiola. Maliban naman sa mga artistang ito, ay may ilang producers na rin ang naghahanap ng bago nilang papasukang trabaho.

Ang Unkabogable at Phenomenal star na si Vice Ganda ay nagdesisyon na magkaroon ng sariling programang “Gabing Gabi Na Vice” na nalalapit nang i-launch sa July 24. Ito ay isang digital platform kung saan siya mismo ang nagmamay-ari ng sarili niyang entertainment website na pinangalanan niyang viceganda.com.

Photo credits: praybeytbenjamin | Instagram 

Pinag-isipan at pinaghandaang mabuti ni Vice ang programa niyang ito, kaya tiyak na marami na namang mga manonood ang kanyang mabibigyan ng kaligayahan. At ito nga ay mapapanood rin sa Facebook, Instagram, Twitter at iba pang social media accounts.

Ang komedyanteng si Pokwang naman ay mapapasabak sa isang game show matapos makipag-ugnayan sa TV 5 at sa cable subsidiary nitong Cignal Entertainment. Ito nga ang game show na “Fill in the Banks”, na prinoduce ni Mike Tuviera ng APT Entertainment. Tiyak naman na aabangan ang game show na ito at paniguradong maaaliw ang mga manonood dahil ang co-host ni Pokwang sa programa ay ang Kapuso Comedian na si Jose Manalo na hindi maikakaila ang talento sa pagpapatawa. Hindi lamang game show ang bagong raket ni Pokwang, dahil maliban rito ay sasabak rin siya sa morning chikahan sa programang “Rise and Shine” kung saan makakasama niya si Pauleen Luna na isa ring Kapuso artist, at makakasama rin niya ang isa sa teen princess ng APT.

Photo credits: Janra | Instagram

Samantalang ang napakaganda at seksing aktres na si Jessy Mendiola naman na malaki ang pagmamahal pagdating sa fitness and health, ay magkakaroon naman ng sarili niyang programa sa ilalim ng Cignal Entertainment, na pinangalanan “Fitness for Life”. Paniguradong maraming manonood na nais maging fit at healthy ang mahihikayat ni Jessy na bagohin ang kanilang lifestyle.



Photo credits: Jessy Mendiola | Instagram

Maging ang ilang director naman katulad ni Director Joel Lamangan ay nakipag-ugnayan na rin sa TV 5 para sa mga bagong teleserye na talagang aabangan ng mga manonood. Samantalang ang ibang TV producers naman ay mas piniling makipag-ugnayan sa IBC13 at Channel 11 para sa kanilang mga programa, na kung saan, ang nasabing prangkisa ng kompanya ay pagmamay-ari ni Eddie Villanueva, isang dating evangelist na ngayon ay isa ng lawmaker.

Talaga nga namang kahit sa gitna ng unos ay makikita pa rin ang pagsusumikap at pagtutulungan ng bawat isa. Layunin nga ng mga naturang Network na muling ibangon ang entertainment industry na naapektuhan dahil sa pagsasara ng ABS-CBN. Malaking tulong rin ang mga nalalapit na proyekto sa mga empleyadong nawalan ng trabaho upang magsimulang muli sa kanilang buhay at makatulong sa kani-kanilang pamilya.

source: push.abs-cbn.com