Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Xander Asistio, Ang Unico Hijo ni Nadia Montenegro na Taglay Ang Mala-Artistahing Kagwapuhan at Talento

Ang kilalang aktres na si Nadia Montenegro ay unang sumikat sa industriya ng showbiz noong dekada 80 matapos mapanood sa telebisyon at mga pelikula. Ang kanyang husay bilang artista ay nagdala sa kanya sa matagumpay na karera, at hanggang sa kasalukuyan ay aktibo parin ang karera ng aktres sa showbiz, at patuloy na napapanood sa ilang TV shows.

Credits: Antonio Alexander Asistio | IG

Maliban naman sa pag-arte, ay hilig rin ni Nadia ang pagluluto. Kaya naman, isa rin sa kanyang pinagkakaabalahan ay ang pagluluto. Kung kaya’t, gumawa siya ng cooking show sa kanyang sariling YouTube channel para ibahagi ang kanyang masasarap na food recipes.

Hindi lamang sa kanyang mga ginagampanang karakter ang pagiging isang butihing ina ni Nadia, dahil maging sa tunay na buhay ay isa rin siyang mabuti at mapagmahal na ina sa kanyang walong mga anak.

Credits: Antonio Alexander Asistio | IG

Bago pumanaw ang asawa ni Nadia na si Boy Asistio na dating alkalde ng Caloocan City, ay biniyayaan ang kanilang pagsasama ng walong anak na pawang magaganda at gwapo. May pitong babaeng anak sina Nadia at Boy na sina Alyssa, Alynna, Alyana, Anykka, Samantaha, Ayisha, at Sophia. Nag-iisa naman ang anak nilang lalaki at siya nga ay si Antonio Alexander o kilala rin sa tawag na Xander.

Credits: Antonio Alexander Asistio | IG

Hindi naman talaga maikakaila ang angking malaartistahing katangian ng mga anak ni Nadia. Kaya naman, ang ilan sa mga ito ay sumunod rin sa kanyang yapak sa industriya ng showbiz upang mag-artista.

Katulad na lamang nga ng anak niyang si Alynna o Yna na napapanood sa ilang teleserye ng Kapuso network kagaya na lamang ng Anghelita at My Beloved. Maging ang anak ni Nadia na si Alyana ay isa na ring artista at kasalukuyan ngang napapanood sa teleseryeng “The World Between Us” na pinagbibidahan nina Alden Richards, Jasmine Curtis Smith at Tom Rodriguez.

Credits: Antonio Alexander Asistio | IG

Samantala, ang unico hijo ni Nadia na si Xander bagama’t hindi madalas marinig ang pangalan ay hindi naman maikakaila ang malaartistahing kagwapuhan. Tila nga nasa dugo na ng pamilya ni Nadia ang magagandang katangian dahil ang panglimang anak niyang si Xander, ay pasok na pasok rin ang looks para maging isang artista.

Maliban nga sa kanyang mala-artistahing kagwapuhan, ay may angking talento rin sa pag-awit si Xander. Sa katunayan nga nito ay madalas siyang makasama ng kanyang Ate Yna bilang ka-duet sa mga song cover nito sa YouTube. Bukod dito, ay mahilig rin sa sports ang gwapong binata na kung saan nga ay basketball player sa kanilang paaralan. Hilig rin ni Xander ang pagbibisekleta na nagsisilbi niyang libangan at ehersisyo na rin.

Credits: Antonio Alexander Asistio | IG

Samantala, noong July 2020 naman nang magtapos sa kolehiyo si Xander sa kursong Political Science sa Far Eastern University. At ang kanyang diploma ay inialay ni Xander sa kanyang yumaong ama na si Boy.

Credits: Antonio Alexander Asistio | IG

“AND SYEMPRE, This is also for you Dad! Para sayo to. Alam ko na nag aalangan ka sakin na magpol sci ayaw mo maranasan ko yung mga hirap mo nun pero di ko alam kung bakit mas gusto mong maging boksingero ako… Hahaha. Pero dad sana proud ka po sakin. Love you and miss you!”

Dahil nga taglay ni Xander ang kahanga-hangang kagwapuhan at napakatalentado pa, ay hindi na nakapagtataka kung masaya ang kanyang love life. Si Xander ay may makulay na buhay na pag-ibig sa piling ng kanyang girlfriend na vlogger na si Kaila Concepcion. At makikita nga sa kanilang social media accounts ang nag-uumapaw sa daming sweet photos nila. Hindi maikakaila na bagay na bagay sila sa isa’t isa, at talaga namang nakakakilig ang kanilang kasweetan sa isa’t isa.

error: Content is protected !!