Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Vlanz Karollyn Ang Napakacute at Napakagandang Anak ni Bobuy Villar at Angillyn Serrano Gorens

Si Bobuy Villar ay unang nakilala nang mag-audition sa Little Big Star ng ABS-CBN. Hindi naman maikakaila na may talento sa pag-arte si Bobuy kaya naman agad nakilala ang kanyang pangalan sa industriya ng showbiz.

Samantala, naging makulay rin ang buhay pag-ibig ni Bobuy at noong 2015 ay nakilala niya ang napakagandang American national na si Angillyn Serrano Gorens na sa Pilipinas na lumaki. Hindi naman nagtagal ay tuluyan na ngang naging opisyal ang pagiging magkasintahan ng dalawa na inanunsiyo ng aktor noong 2016.




At noong Agosto 30, 2017 nga, ay mas lalo namang naging masaya at makulay ang kanilang pagsasama sa pagdating ng kanilang napakacute na panganay na anak na si Vlanz Karollyn.

    x

Photo credits: Angillyn Serrano Gorens | Instagram

Hindi nga maitago ng aktor ang labis na kaligayahan nang masilayan ang kanyang prinsesa. At bilang first time dad ay talagang proud na proud si Bobuy sa kanyang anak. At ang milestone nga ni Baby Vlanz ay madalas niyang ibahagi sa kanyang mga tagahanga.

Photo credits: Angillyn Serrano Gorens | Instagram

Makikita na talagang napakacute ni Baby Vlanz na unang nasilayan ng publiko noong December 25, 2017, mismong araw ng Pasko. Ngunit, bago masilayan ng publiko ay pinabinyagan muna ito ng kanyang inang si Angillyn noong December 24, kung saan ay ibinahagi nito na ang suot na baby dress ni Baby Vlanz ay namana pa mula sa kanyang lola at ito nga ay mahigit 30 anyos na.

Photo credits: Angillyn Serrano Gorens | Instagram

Hindi naman talaga maitatanggi na sadyang nakakagigil ang kacutan ni Baby Vlanz na maging ang kanyang Tita Veybilly ay palagi siyang kinakarga at binabantayan. Habang lumalaki naman si Baby Vlanz ay tila namamana nito ang angking kagandahan ng kanyang Mommy Angillyn.

Photo credits: Angillyn Serrano Gorens | Instagram

Tila kaybilis naman ng paglipas ng panahon, kaya naman hindi pinapalampas ni Bobuy ang precious moments ng kanyang anak. Maging ang kanyang Mommy Angillyn ay inienjoy rin ang mga sandaling kasama ang anak, at madalas nga silang magbonding at makikita ring nagsusuot silang mag-ina ng twinning outfit.

Photo credits: Angillyn Serrano Gorens | Instagram

Sa pagdaan nga ng 1st birthday at 2nd birthday ni Baby Vlanz ay talagang nakasuporta ang kanyang mga magulang na hindi na maikakaila ang pagmamahal sa kanya. At ngayon nga, ay tatlong taong gulang na si Baby Vlanz, na hindi maikakaila ang malaking pagkakahawig sa kanyang Mommy Angillyn. Sa pagdiriwang ng ika-3 taong kaarawan ni Baby Vlanz ngayong panahon ng pandemya, ay sinurpresa ni Bobuy ang kanyang anak ng isang regalo.




Maliban naman kay Baby Vlanz, ay may isa pang anak si Bobuy kay Angillyn, siya si George na ipinanganak ni Angillyn sa Amerika noong 2019.

Photo credits: Angillyn Serrano Gorens | Instagram

Photo credits: Angillyn Serrano Gorens | Instagram

Photo credits: Angillyn Serrano Gorens | Instagram

Samantala, naging usap-usapan naman noong nakaraang Oktubre ang paghihiwalay nina Bobuy at Angillyn. Ayon sa ulat, ay nagdesisyon na ang dalawang tapusin ang kanilang relasyon matapos ang apat na taong pagsasama. At ang kanilang dalawang anak ay nasa poder ngayon ng ina ni Angillyn.

error: Content is protected !!