Connect with us

Entertainment

Kilalanin Si Trina Guytingco, Ang Basketball Player Na Bumihag Sa Puso ni Joshua Gacia

Maraming netizens ang naintriga sa kumakalat na larawan ng aktor na si Joshua Garcia, kung saan nga ay makikitang may kasama siyang babae. Naging laman nga ng social media ang kontroberysal at sinasabing babaeng nagpapatibok sa puso ng heartthrob na si Joshua Garcia.

Photo Credits: Facebook | Image

Ang babaeng sinasabing tumapos sa mahabang pila kay Joshua Garcia ay isang basketball player at musician. At ito ay walang iba kundi si Trina Guytingco, na 24 taong gulang. Si Trina ay isang University player at kilala bilang team guard at graduate ng Ateneo De Manila University.

At kamakailan lamang nga ay naging mainit ang usapin patungkol sa kanilang dalawa. Makikita kasi sa Facebook account ng Baskteball World ang mga larawan nina Joshua at Trina kung saan sila’y magkasama. Dahil nga kapansin-pansin rin ang pagiging close nila sa isa’t isa ay agad na kumalat sa social media ang kanilang larawan, at umani ng samu’t saring reaksyon.

Photo Credits: Trina Guytingco | IG

Ilan lamang mga sa mga larawan na pinag-uusapan ngayon ng mga netizens lay kuha sa El Nido, Palawan na tila sila’y nasa isang masayang bakasyon. Agad namang naagaw ang atensyon ng publiko dahil ang Ateneo Women’s basketball team guard, Trina Guytingco at aktor na si Joshua ay sweet na sweet sa mga kuha ng larawan. Kaya naman, ang mga netizens ay may kanya-kanyang opinyon at kuro-kuro patungkol sa namamagitan sa kanilang dalawa.

Samantala, marami naman sa mga tagahanga ni Joshua ang natutuwa dahil matapos ang ilang taong pagiging single ng aktor ay tila matutuldukan na. Bagama’t hindi pa kumpirmado ang kanilang status, ay marami na ang naghihintay sa kanilang magiging kwento.

Photo Credits: Trina Guytingco | IG

Kasali rin si Trina sa circle of friends ni Katheryn Bernardo at Daniel Padilla kaya’t hindi maikakaila ang closeness nila. Pansin din umaano ang sweetness ni Joshua at Trina sa byahe ng grupo. Naging masaya at unforgettable ang bakasyon nilang magkakaibigan kasama ang ibang artista.

Wala pang opisyal na pahayag ang dalawa sa nasabing usapin. At kung totoo man na may romantikong uganayan ang dalawa, hindi naman maikakaila na patuloy na bumubuhos ang suporta ng mga taga hanga ni Joshua sa kanilang loveteam ni Trina.

Matatandaan na ang huling nakarelasyon ng aktor na si Joshua ay ang aktres na si Julia Barretto. Ngunit, kahit nga naging matagumpay ang kanilang loveteam mapa-onscreen man o sa totoong buhay, sa huli nga ay nauwi rin ito sa hiwalayan.

Photo Credits: Trina Guytingco | IG

Photo Credits:  Kathryn Bernardo | IG

Kahit naman, nanatiling single si Joshua ng ilang taon ay hindi naman maikakaila na masaya siya sa takbo ng kanyang karera, at sa piling ng kanyang mga tunay na kaibigan. Nag-uumapaw rin ang pagmamahal na kanyang natatanggap mula sa kanyang mga tagahanga.

error: Content is protected !!