Connect with us

Entertainment

Kilalanin Si Tricia Cruz, Ang Napakagandang Kapatid Ni Ella Cruz Na Pwede Ring Isabak Sa Showbiz

Ilang ulit na nga tayong pinabilib ng aktres na si Ella Cruz sa kanyang natatanging talento sa parte. Ngunit, maliban nga dito ay kahanga-hanga rin ang kanyang husay bilang isang mananayaw. Taglay rin ni Ella ang natural na kagandahan na hinahangaan ng lahat.

Photo credits to the owner

Hindi na rin nga nakapagtataka kung maganda ang lahing pinagmulan ni Ella, dahil hindi lamang siya ang nag-iisang biniyayaan ng kahanga-hangang kagandahan sa kanilang pamilya. Siya ay walang iba kundi ang kapatid ni Ella na si Tricia Cruz na sadyang napakaganda rin.

Photo credits to the owner

Minsan nang ipinakilala ni Ella sa publiko ang kanyang kapatid na si Tricia matapos niyang makasama sa isang panayam sa programang Magandang Buhay noong Enero 11, 2017. At dito nga ay ibinahagi ng aktres na malapit sila sa isa’t isa, hindi lamang bilang magkapatid kundi magbestfriend na rin. Pagdating nga sa usaping love life ay kasangga nila ang isa’t isa. Buong puso rin ang pagmamahal at pagsuporta nina Ella at Tricia sa isa’t isa. Samantala, maliban kay Tricia ay may dalawa pang kapatid si Ella, sila ay sina Ethan at Lana.

Photo credits to the owner

Wala man sa industriya ng showbiz ay gumagawa naman ng sariling pangalan sa socila media si Tricia. Ngayon nga ay lumilikha ng ingay sa social media si Tricia kung saan madalas niyang ibahagi ang masasayang kaganapan sa kanyang buhay. May sarili ring YouTube channel si Tricia at sa kanyang mga vlog ay masisilayan ang kanyang mga nakakaaliw na videos pagdating sa travel vlogs, online gaming, at pati na rin pagdating sa fashion at lifestyle niya.

Photo credits to the owner

Hindi naman nakapagtataka kung napahanga ni Tricia ang maraming viewers sa kanyang taglay na ganda at talento. Marami nga ang nagsasabing maaari ring isabak sa showbiz ang taglay na ganda at talento ni Tricia. Ngunit, sa ngayon nga ay nais lamang ng dalaga ang tahimik at pribadong buhay.

Photo credits to the owner

Ang pamilya ni Ella ay tubong Angat, Bulacan ngunit sa kabila ng katanyagang tinatamasa ng aktres sa showbiz ay mas pinili niya paring gawing pribado ang buhay ng kanilang pamilya. Napakapalad naman ni Ella dahil bukod sa kanyang pamilya, ay may isang Ate Tricia na nagiging karamay niya sa problema anumang oras. Isang mapagmahal na ate na handang umagapay at hindi nagsasawang ipakita ang pagmamahal at pagsuporta kay Ella.

Photo credits to the owner

Si Gabriela Annjane Umali Cruz o mas kilala bilang Ella Cruz sa industriya ng showbiz ay isang aktres, dancer, at endorser. Una siyang nakilala sa showbiz noong 2006 matapos maging bahagi ng palabas ng GMA na Majika. Pinapilib naman ni Ella ang publiko sa kanyang husay bilang mananayaw nang magpakitang gilas sa pagsayaw ng “Twerk It Like Miley” kung saan nga ang kanyang video ay nagtrending sa social media.

error: Content is protected !!