Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Shyre Aquino ang Napakagandang Fan-Turned Fiancée ni Jake Zyrus

Published

on

Marami nga ang nagulat sa pagbabagong naganap sa katauhan ng sikat na mang-aawit na si Charice Pempengco na ngayon nga ay kilala na ng lahat bilang si Jake Zyrus.

Ngunit, hindi naging madali ang pag-amin niya sa publiko ng kanyang totoong kasarian at pagkatao dahil umabot pa ito ilang taon. At nang magkaroon na nga siya ng lakas ng loob ay inamin na nga niya sa kanyang mga tagahanga at publiko kung sino talaga siya at ano ang nais niya. Pinalitan na nga niya ang kanyang pangalan at buong pagkatao hanggang sa kinilala na siya bilang si Jake Zyrus.




Subalit, hindi naman lahat ay natuwa sa pagbabagong ito ni Charice, isa na nga rito ang kanyang inang si Raquel Pempengco na kung saan ay nakasamaan pa niya ng loob dahil hindi nito halos matanggap ang rebelasyon ng anak. May ilan ring nagsabi na tila sinayang lamang niya ang talentong ipinagkaloob sa kanya at maaari umano itong maging dahilan ng pagbagsak ng karerang mayron siya.

Malaki nga ang nabago sa panlabas na kaanyuan ni Charice na ngayon nga ay si Jake na, magmula sa buhok hanggang sa kanyang kasuotan. Kapansin-pansin rin ang pagbabago sa kanyang boses na tila nalalapit na sa boses ng isang lalaki. Nagpalagay rin siya ng mga tattoo sa kanyang katawan upang ganap na magmukhang lalaki. Samantala, nag-under talked siya ng Chest Reconstruction Surgery at Hurmons para isang maging tunay na lalaki.

At ang pagbabago nga sa buong katauhan ni Jake ay nagdulot ng negatibong reaksyon sa publiko. Ngunit, sa kabila nito may isang tao naman na nagpalakas ng kanyang loob at walang sawang sumuporta sa tabi niya. Siya nga si Allysa Quijano na kasabay ng pagbabago sa katauhan ni Jake ay ang pagbubukas ng kanilang relasyon sa publiko. Ngunit, matapos naman ng ilang taon, ang kanilang relasyon ay nauwi rin sa hiwalayan.

Samantala, maging ang karera ni Jake ay naapektuhan rin ng pagbabago ng kanyang katauhan at bihira na nga siyang mapanood sa telebisyon.




Sa kabila naman ng mga pagsubok na pinagdadaanan ngayon ni Jake sa buhay, muli namang nagkakulay ang kanyang buhay at napapasaya ng bago niyang karelasyon na si Shyre Aquino na isang register nutrionist at dietitian.

Proud na proud nga si Jake sa kanyang napakagandang kasintahan at makikita sa kanilang social media accounts na masayang-masaya sila sa kanilang relasyon. Makikita rin na mahal na mahal nila ang isa’t isa sa mga larawan na kanilang ibinabahagi.

Ayon naman kay Jake, nagsimula naman ang kanilang pag-iibigan bilang tagahanga at hinahangaan. Labis naman ang paghanga ni Jake kay Shyre sa pagtanggap nito sa kanyang katauhan ng buong-buo.

error: Content is protected !!