Connect with us

Entertainment

Kilalanin Si Paulina Luz Sotto, Anak Ni Vic Sotto Na Nakapagtapos Sa Ateneo Bilang Cum Laude

Published

on

Bilang isang magulang, ang tanging hiling lamang nila para sa kanilang anak ay matupad ang mga pangarap at magkaroon ng maayos na buhay. Isa na nga sa mga pangarap na ito ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit, higit ang kaligayahan ng isang magulang kung ang mga anak, bukod sa nakapagtapos ng pag-aaral ay nagkamit din ng parangal.

Ganito marahil ang nararamdamang kaligayahan ni Vic Sotto nang makapagtapos ang kanyang anak na si Paulina Luz bilang isang Cum Laude sa Ateneo.




Si Vic Sotto ay kilala bilang isang komedyante at host sa longest-running noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga. Dito na rin siya higit na nakilala ng publiko at binansagang “Bossing”.

Dahil nga taglay ni Bossing ang pagiging magandang lalaki, hindi maikakaila na marami siyang mga babaeng napaibig at ang ilan nga ay kanyang naging asawa kung saan ay nagkaroon siya ng mga anak.

Sa mga babaeng naging bahagi ng buhay ni Bossing ay nagkaroon siya ng limang anak, kasama na rito ang anak niya sa kasalukuyang asawa na si Pauleen Luna na kung saan ay dalawang taong gulang pa lamang, siya si Talitha. Mayroon siyang 3 babaeng anak at dalawa naman ang anak niyang lalaki.

Ang kanyang mga naging anak sa unang asawa na si Dina Bonnevie ay sina Oyo Boy Sotto at Danica Sotto na matagumpay na ang pamumuhay sa industriya ng showbiz. Samantalang ang kilalang Mayor ng Pasig na si Vico Sotto ay anak naman niya sa beteranang aktres na si Coney Reyes. Hinahangaan ng marami si Mayor Vico dahil sa kanyang mahusay na pamamahala sa kanyang nasasakupan.

Hindi naman magpapahuli ang pang-apat na anak ni Bossing na si Paulina Sotto. Ngunit, hindi kagaya ng kanyang mga kapatid na nasa industriya ng showbiz at politika, si Paulina ay pinatunayan ang sarili sa kanyang mga magulang sa pamamagitan ng pagsusumikap sa pag-aaral. Ang anak ni Bossing na si Paulina ay anak niya naman sa modelo at aktres na si Angelina Luz.




Ginawa nga ni Paulina ang lahat upang maibigay sa kanyang mga magulang ang walang kapantay na kaligayahan nang siya ay makapagtapos ng pag-aaral, ngunit hindi lamang siya nakapagtapos kundi nagkamit rin siya ng parangal bilang Cum Laude sa Ateneo.

Nag-aral si Paulina sa Ateneo De Manila University sa kursong Bachelor of Arts, Major in Communication. Ipinagpatuloy nga ni Paulina ang larangang tinahak sa mundo ng sining ng kanyang lolo na isang National Artist for Visual Arts, siya si Arturo Luz.

Kaya naman, noong 2015 sa kanyang Instagram ay nagbigay siya ng mensahe ng pasasalamat sa mga taong tumulong at sumuporta sa kanya sa pag-abot ng kanyang mga pangarap. Lalong-lalo na sa amang si Vic, na talagang hindi siya pinabayaan bagkus ay walang sawang sinuportahan ang kanyang pangarap.

“To my dad thank, you also for all generosity and support. I am able to get the best education because of your hard work and I wouldn’t be in this position if it wasn’t for your dedication to your kids. Thank you for believing in me and supporting me in everything I do”

At bilang regalo sa nakamit na tagumpay ng anak, binigyan ni Bossing si Paulina ng isang mamahaling sasakyan na Audi-Q30.




Bagama’t, abala si Bossing sa kanyang trabaho bilang artista at host, hindi naman siya nagkukulang maglaan ng oras sa mga anak at iparamdam ang pagmamahal sa mga ito. Wala namang duda na napalaki niya ang mga ito nang maayos dahil lahat sila ay may maayos na buhay at higit sa lahat ang mga pangarap na minimithi nila ay nabigyang katuparan na.

error: Content is protected !!