Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Maxine, ang Napakagandang Bunsong Anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez

Marami nga sa mga kilalang artista sa showbiz ang may mga magulang na artista rin. Kaya naman, hindi nakapagtataka na ang dugong dumadaloy sa kanila ay namana sa kanilang mga magulang na artista. Isa na nga riyan ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez na anak ni Lotlot de Leon sa dati niyang asawang si Ramon Christopher Gutierrez.




Hindi naman talaga maikakaila ang angking kagandahan ni Janine na namana niya sa kanyang ina. Maging ang talento ng mga magulang sa pag-arte ay namana rin ng aktres.

Ngunit, maliban kay Janine ay may napakaganda at talentado pang anak sina Lotlot at Ramon Christopher. Ito nga ang bunso nilang anak na si Maxine Gutierrez kung saan ay nakakatandang kapatid nito ang aktres na si Janine Gutierrez, Diego, at Jessica Guiterrez.

Dahil nga nagmula si Maxine sa kilalang pamilya ng mga artista ay naging malapit rin siya sa kanyang mga grandparents lalo na sa kanyang Lola Pelita Corrales, na tinatawag niyang Mamita.




Hindi rin maitatanggi ang angking kagandahan ni Maxine na maihahalintulad rin sa kanyang Ate Janine. Sa katunayan nga nito ay madalas siyang mapagkamalan ng mga tagahanga ni Janine na doppelganger siya ng kanyang Ate dahil sa sobrang pagkakahawig nila. Tila nga sila’y kambal kapag pinagtabi na tila nananalamin sa isa’t isa. Maliban nga sa pagiging magkamukha ay malapit rin sa isa’t isa ang magkapatid. Makikita nga sa mga larawan sa kanilang mga social media accounts na madalas silang magkasamang nagba-bonding. Dahil nga super close sila ng kanyang Ate Janine, ang tawag pa nga rito ni Maxine ay Ate Bear.

Si Maxine ay 20 taong gulang na at noong April 25, 2020 nga ay nakapagtapos na siya ng highshool at ganap ng kolehiyo sa susunod na pasukan. Sa edad na 20, ay dalagang-dalaga na si Maxine na kung saan ay malaki ang pagkahilig sa fashion upang mas lalo pa siyang gumanda. Tila nga, handa na rin siyang rumampa sa red carpet tulad ng kanyang Ate Janine dahil hindi maikakaila ang kanyang kagandahan.

Maliban naman sa fashion, hilig rin ni Maxine ang mamasyal at magtravel kahit saan mang lugar kasama ang kanyang mga kapatid. Kapansin-pansin rin ang pagkahilig ni Maxine sa mga alagang hayop lalo na sa aso. Madalas nga siyang magbahagi ng mga larawan sa social media kung saan makikitang may kasama siyang aso.




Makikita rin na kahit walang bahid ng make up ang mukha ni Maxine ay mababakas pa rin ang kanyang natural na ganda. Walang duda na ang kagandahan niyang ito ay malaki ang magiging papel kung sakaling pasukin niya ang mundo ng showbiz balang-araw.

error: Content is protected !!