Connect with us

Uncategorized

Kilalanin si Maxine ang Artistahin sa Gandang Kapatid ng Aktres na si Janine Gutierrez

Tila nga nasa dugo na ng mga sikat na artista ang taglay nilang magagandang katangian na kung saan nga, halos lahat ng miyembro ng kanilang pamilya ay taglay rin ang malaartistahing looks.

Katulad na lamang nga ng sikat na aktres na si Janine Gutierrez na namana ang angking kagandahan at talento sa kanyang mga magulang na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher o kilala ng lahat bilang si Monching.

Credit: Facebook 

Dekada 80 ng sumikat ang loveteam nina Lotlot at Monching na miyembro ng That’s Entertainment noon. Ang kanilang maganda at nakakakilig na chemistry sa harap ng camera ay tuluyang nauwi sa tunay na buhay at naging opisyal na magkarelasyon.

Humantong sa pag-iisang dibdib ang matamis nilang pag-iibigan noong 1989. Ngunit sa kasamaang palad, matapos ang ilang taong pagsasama bilang mag-asawa, ay nauwi pa rin ito sa hiwalayan noong 2007.

Credit: Max Gutierrez | Instagram

Ang kanilang pagmamahalan naman ay nagbunga ng apat na anak, tatlong babae na pawang magaganda, at isang gwapong lalaki. Sila nga ay sina Janine Gutierrez, Jessica, Diego at si Maxine. Si Janine ay isang sikat na aktres sa industriya ng showbiz, na hindi maikakaila na hindi lamang talento ang namana sa kanyang mga magulang kundi pati na rin ang kanyang magandang mukha.

Credit: Max Gutierrez | Instagram

Ngunit, maliban kay Janine ay agaw atensyon rin ang natatanging kagandahan ng kanyang bunsong kapatid na si Maxine na animo’y kakambal ng aktres dahil sa malaking pagkakahawig nila.

Si Maxine ay 21 taong gulang na ngayon, na talaga namang masisilayan ang napakagandang mukha. Kadalasan namang mapagkamalang si Janine si Maxine dahil bukod sa magkamukha ay parehong-pareho rin ang kanilang tangkad at katawan.

Credit: Max Gutierrez | Instagram

Kapansin-pansin naman ang natural na ganda ni Maxine na kahit walang bahid ng make up ang kanyang mukha, ay talaga namang napakaganda parin ng dalaga. Kaya naman, marami ang nagsasabi na maaari itong sumabak sa showbiz dahil taglay rin ang malaartistahing looks na tulad ng kanyang Ate Janine.

Samantala, hindi man maganda ang kinahantungan ng relasyon nina Lotlot at Monching, ay nanatili naman ang kanilang magandang samahan bilang magkaibigan para na rin sa ikabubuti ng kanilang mga anak. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, ay hindi nila ipinagkait ang kanilang mga anak sa isa’t isa. Sa katunayan nga nito, ay pareho silang dumalo sa pagtatapos sa highschool ng kanilang bunsong anak na si Maxine.

Credit: Max Gutierrez | Instagram

“Siyempre it wasn’t easy at the beginning, but we learned through the years on how to get along and how to manage things, especially for the kids. Kasi kailangan kami ng mga bata as parents and siyempre, we want to have a healthy relationship with our children. We want them to be happy as well, diba?”pahayag ni Lotlot sa isang interview.

Credit: Google | Image

Nabigo man sa naunang pag-ibig, ay muli namang natagpuan ni Lotlot ang hinahanap na kaligayahan ng kanyang puso sa katauhan ng Lebanese businessman na si Fadi El Soury. Ang kanilang pag-iibigan ay nauwi sa kasalan noong December 17, 2018, at malaki ang pasasalamat ni Lotlot sa pagdating ni Fadi sa kanyang buhay dahil isa na rin ito tumatayong ama sa kanyang mga anak.

Ang ama naman ni Lotlot na si Christopher de Leon, ay tanggap na rin ang bagong pag-ibig ng kanyang anak, lalo na nga’t nakikita niyang masaya naman ito. Dahil dito, ay masaya na rin ang batikang aktor para sa kanyang anak.

error: Content is protected !!