Connect with us

Entertainment

Kilalanin Si Magui Ford Planas, Ang Napakaganda At Matalinong Anak Ni Karla Estrada

Marami sa mga sikat na artista sa showbiz ang may mga anak na talaga namang taglay rin ang mala-artistahing katangian na kanilang naipamana. At isa ngang patunay riyan ang aktres at TV host na si Karla Estrada, na kung saan nga ay naipamana sa kanyang mga anak ang maganda niyang genes.

Photo Credits: Magui Ford| IG

Isa sa anak ni Karla na talagang sikat na sikat sa industriya ng showbiz ay ang aktor na si Daniel Padilla na anak ng aktres kay Rommel Padilla. Tila naman talagang nananalaytay sa ugat ng pamilya ni Karla ang magandang lahi. Dahil maliban nga sa kanyang anak na si Daniel, ay agaw pansin rin ang natatanging kagandahan ng kanyang anak na si Magui Ford Planas na anak naman ni Karla sa kanyang dating asawa na si Mike Planas.

Photo Credits: Magui Ford| IG

Si Magui ay malapit ng tumuntong sa edad na 20 sa darating na Pebdero 28 kung saan nga ay makikita na dalagang-dalaga na ito at sadyang napakaganda. Unang nasilayan ang natatanging kagandahan ni Magui sa kanyang pagdiriwang ng 18th birthday.

Photo Credits: Magui Ford| IG

Lumikha rin ng ingay sa social media ang pagdiriwang ng kaarawan ni Magui lalo na nga’t ang kanyang taglay na kagandahan ay hindi basta-basta. At tiyak na kapag pinasok niya nga ang showbiz ay makikipagsabayan siya sa pinakasikat at naggagandahang aktres sa industriya.

Samantala, aktibo rin si Magui sa social media lalo na sa Instgram. At dito nga, ay madalas niyang ibahagi ang kanyang mga kahanga-hangang larawan na nagpapatunay ng taglay niyang kagandahan. Hindi naman maipagkakaila na marami ang nabibighani sa ganda ni Magui. Sa katunayan nga nito ay may 1Million followers na siya sa kanyang Instagram account.

Photo Credits: Magui Ford| IG

Ngunit, hindi lamang ganda ang maipagmamalaki ni Magui, dahil hahangaan rin siya sa taglay niyang katalinuhan. Matatandaan nga na noong nakaraang taon ay isang proud mommy si Karla sa kanyang dalagang anak nang ibahagi niya sa Instagram na nakapagtapos ito ng Senior High School at nagkamit ng matataas na grado.

Maliban pa nga sa matataas na grado na nakuha ni Magui sa kanyang pagtatapos ay nakapasok rin siya sa prestigious university sa Australia sa University of Melbourne kung saan siya nakatakdang mag-aral ng College. Wala ngang duda na ang dalagang anak ni Karla ay talagang beauty and brain.

Photo Credits: Magui Ford| IG

Bagama’t, marami na ang nakaabang sa magiging landas ni Magui kung papasukin nito ang showbiz, ngayon nga ay nakatuon lamang ang pansin nito pag-aaral at makapagtapos ng kolehiyo.

Kung sakali mang dumating ang panahon na pasukin nito ang showbiz ay tiyak naman na agad siyang makikilala sa industriya. Sa taglay niyang ganda at katalinuhan, ay tiyak na malayo rin ang kanyang mararating gaya ng kanyang Mommy Karla at Kuya DJ.

error: Content is protected !!