Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Kathleen Hermosa, Ang Napakagandang Kapatid ng Aktres na si Kristine Hermosa na Isa ring Mahusay na Aktres

Ang aktres na si Kristine Hermosa ay isa sa itinuturing na may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz. Hindi naman talaga ito maikakaila sa kanyang mestisa at makinis na kutis na pinaresan naman ng kanyang mala-anghel sa among mukha.

Credits: Kristine Hermosa- Sotto | Instagram

At ang dahilan ng magandang katangian na ito ni Kristine ay dahil sa pinaghalong dugong dumadaloy sa kanyang mga ugat na Spanish, Chinese at Filipino. Wala naman talagang duda kung saan nakuha Kristine ang angking kagandahan.

Ngunit, hindi lamang angking ganda ni Kristine ang hahangaan sa kanya, dahil pagdating sa pag-arte ay ipinapamalas rin niya ang kanyang angking talento.

Credits: Kathleen Hermosa| Instagram

Samantala, bago pa man sumikat si Kristine sa industriya ng showbiz, ay una siyang nadiskubre sa edad na 12 taong gulang nang mag-audition ang kanyang nakakatandang kapatid na si Kathleen sa isang show sa ABS-CBN.

Nagmula nga ng maging isang ganap na artista ay inulan ng napakaraming proyekto ang karera ni Kristine. Dahilan nga upang mas lalo siyang makilala ng publiko. Ilan sa mga proyektong tumatak sa puso’t isipan ng mga tagahanga ng aktres ay ang kanyang pagganap sa Pangako Sa ’Yo, Sana’y Wala Nang Wakas, at Dahil May Isang Ikaw.

Credits: Kathleen Hermosa| Instagram

Dahil naman sa napakagandang mukha ni Kristine, ay hindi naman nakapagtataka na nabihag niya ang puso ng aktor na si Oyo Boy Sotto kung saan ngayon nga ay masayang nagsasama kasama ang apat nilang mga anak, na nalalapit na ring maging lima.

Tila naman nasa lahi na talaga ng pamilya ng Kristine ang magandang mukha, at kahanga-hangang talento. Sa katunayan nito, ang kanyang nakakatandang kapatid na si Kathleen ay sadyang napakaganda rin. At tulad niya, ay isa rin itong mahusay na aktres.

Credits: Kristine Hermosa- Sotto | Instagram

Si Kathleen ay kilalang aktres sa showbiz kung saan ay napabilang sa FHM’s Top 100 Sexiest Women in the World noong 2010. Ipinamalas rin ni Kathleen ang kanyang talento sa pag-arte sa mga supporting roles na kanyang ginampanan. Ilan nga sa mga ito ay Honesto, Nathaniel, Doble Kara, My Dear Heart, The Good Son at marami pang iba.

Mapapansin naman kay Kathleen ang kanyang mestisang kutis na tulad kay Kristine. Tunay nga na napakaganda nito, kung saan ay maamo rin ang mukha nito. Maliban naman sa kanilang dalawa, ay may dalawa pa silang kapatid, si Joshua Miguel, at Maxine. Ngunit, hindi tulad ng kanilang mga kapatid, mas pinili ng dalawa na huwag pasukin ang showbiz.

Credits: Kathleen Hermosa| Instagram

Makikita naman sa Instagram ni Kathleen na siya’y isang family oriented ngayon kung saan masisilayan ang masaya nilang pamilya. At ang sikreto ng kanilang masayang pamilya at pagsasama ay ang Diyos na ginawa nilang sentro sa lahat ng bagay.

error: Content is protected !!