Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Kanoa, ang Anak na Lalaki ni Philmar Alipayo sa kanyang Ex-Girlfriend na taga France

Bago pa man dumating sa buhay ng champion surfer na si Philmar Alipayo, ang kanyang fiancee ngayon na si Andi Eigenmann, ay nagkararoon pa siya ng mga naunang nakarelasyon. Kabilang na nga rito ang kanyang dating kasintahan sa France, kung saan nagbunga ng isang supling na lalaki ang kanilang pagmamahalan noon.

At ang babaeng ito na naging girlfriend ni Philmar na naninirahan sa France ay nagngangalang Ananda Bagalciague. Ang kanila namang anim na taong gulang na anak ay nangngangalang Kanoa na kadalasang tawagin naman ni Philmar na Kanono.

Photo credits: chepoxz | IG

Photo credits: chepoxz | IG

Si Kanoa ay ipinanganak ni Amanda noong March 2, 2015 sa France. Hindi naman maikakaila ang taglay na kagwapuhan ni Kanoa kahit nga bata pa lamang ito. Walang duda na nakuha nito ang magandang features ng kanyang ina, at nagmana rin sa kanyang gwapong ama.

Photo credits: chepoxz | IG

Samantala, matagal ring namalagi si Philmar sa France noon upang makasama ang kanyang mag-ina. Ngunit, nang umuwi na nga si Philmar sa Pilipinas, at nang mawalay sa piling ng mga ito, ay hindi na nga nagtagal ang relasyon ni Philmar kay Ananda. Makikiya naman sa throwback photos ni Philmar, na talagang bata pa siya noong magkaroon ng anak.

Photo credits: chepoxz | IG

Sa ngayon, ay hindi kasama ni Philmar ang kanyang anak, dahil nga nasa piling ito ni Ananda sa France. Bagama’t, magkalayo naman sina Philmar at Kanoa, ay madalas namang ipakita ni Philmar na mahal na mahal niya ang kanyang anak, at namimiss niya ito. Madalas ngang ibahagi sa Instagram ni Philmar, ang kanyang nadarama para sa kanyang anak na si Kanoa.

Photo credits: chepoxz | IG

Photo credits: chepoxz | IG

Makikita rin sa mga video na ibinabahagi ni Philmar noon, ang madalas na pagbobonding ng kanilang pamilya. At ang napakacute na si Kanoa nga ang naghahatid ng saya at kulay sa kanila ni Ananda.

Photo credits: chepoxz | IG

Photo credits: chepoxz | IG

Hindi naman maikakaila na isang mabuti at responsableng ama si Philmar sa kanyang mga anak. Hindi man kapiling ni Philmar si Kanoa, ay hindi naman ito nawawala sa kanyang puso’t isipan.

Photo credits: chepoxz | IG

Photo credits: chepoxz | IG

Sa ngayon, ay masayang namumuhay sa isla ng Siargao si Philmar kapiling ang kanyang soon to be wife na si Andi Eigenmann. Ang kanilang masayang pagsasama naman ay binigyang kulay ng dalawa nilang anak na sina Baby Lilo at Baby Koa. Kapiling rin nila ang anak ni Andi na si Ellie na anak ng dating aktres sa aktor na si Jake Ejercito.

error: Content is protected !!