Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Julie Reyes, ang Napakagandang Babaeng Nagbibigay Saya at Kulay Sa Buhay Pag-ibig ng Aktor na si Michael De Mesa

Si Michael Edward Gil Eigenmann sa tunay na buhay o kilala rin bilang si Michael de Mesa, ay 60 taong gulang na aktor sa industriya ng showbiz na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga serye sa telebisyon at pelikula bilang isang kontrabida. Ang kinabibilibang kontrabida sa showbiz, ay anak nina Eduardo ″Eddie Mesa″ Eigenmann at Rosemarie Gil. Sa edad na 16 taong gulang ay pinasok na ni Michael ang mundo ng showbiz noong 1975 matapos gumanap sa Araw-Araw, Gabi-Gabi. At ngayon nga, ay patuloy na namamayagpag ang kanyang karera sa industriya ng showbiz.

Sa kabila naman ng pagiging kontrabida sa mga ginagampanang karakter sa telebisyon, ay kabaligtaran naman ito sa totoong buhay. Isang mabuti ay mapagmahal na asawa at ama si Michael sa kanyang pamilya. Unang napangasawa ni Michael ang dati niyang asawa na si Gina Alajar. Silang dalawa ay ikinasal noong taong 1978 kung saan ang kanilang pagsasama ay tumagal ng 23 taon, matapos humantong sa hiwalayan noong 2001 at opisyal na na-annulled ang kanilang kasal noong 2006. Ang kanilang pagsasama naman ay biniyayaan ng tatlong anak na pawang nasa industriya ng showbiz, sina Geoff, Ryan, at AJ Eigenmann.

Samantala, matapos ang hiwalayan nila ni Gina, ay mapalad namang muli natagpuan ni Michael ang babaeng nagpatibok sa kanyang puso. At ang hinahangad na pag-ibig ay kanyang nasumpungan sa katauhan ng kanyang asawa ngayon na si Julie Reyes Eigenmanm, isang dancer at choreographer. Sila ay ikinasal noong 2011, ngunit nasa 19 na taon nang masayang nagsasama.

Photo credits: Michael Edward Eigenman | IG

Marami naman ang humahanga sa matibay at matatag nilang pagsasama sa kabila ng kabiguan sa mga nauna nilang relasyon. Hindi rin naging hadlang sa kanilang pagmamahalan ang malaking agwat sa kanilang mga edad. Si Julie 47 taong gulang, ay mas bata ng 13 na taon kay Michael.

Photo credits: Michael Edward Eigenman | IG

Photo credits: Michael Edward Eigenman | IG

Noong taong 2010 nang subukan ng mag-asawa na magsimulang mamuhay at manirahan sa Amerika, at nagpasyang lisanin ang showbiz para humanap ng ibang trabaho doon. Ngunit, sa huli ay nagpasya silang bumalik ng Pilipinas sa pagnanais na masaksihan ang paglaki ng kanilang mga apo.

Photo credits: Michael Edward Eigenman | IG

At ngayon nga, ay kitang-kita naman sa social media ni Michael de Mesa ang masayang buhay kasama ang kanyang pamilya. Enjoy na enjoy si Michael ngayon sa kanyang buhay na may 6 na anak, at may 5 cute na cute na mga apo. Tunay nga na natagpuan ni Michael ang hinahangad na kaligayan sa kanyang buhay sa piling ng kanyang mahal na pamilya.

Photo credits: Michael Edward Eigenman | IG

Aktibo rin ang karera ng aktor sa showbiz kung saan ay kasalukuyan siyang mapapanood sa primetime series na “FPJ’s Ang Probinsyano.” Marami ang pinahanga ni Michael sa nasabing teleserye kung saan ay kinabiliban ng marami ang kanyang husay at walang kupas na galing sa pag-arte.

error: Content is protected !!